Home Celebrities Flip-top artist na si J Skeelz, nag ‘freestyle rap’ pa sa loob ng kanyang selda matapos mahuli sa buybust

Flip-top artist na si J Skeelz, nag ‘freestyle rap’ pa sa loob ng kanyang selda matapos mahuli sa buybust

0

Tila hindi alintana ng Flip-top rap battle artist na si Jason Rodriguez o mas kilala bilang ‘J Skeelz’ ang nangyari sa kanyang pagkahuli ng mga otoridad sa isang buybust operation sa Candelaria, Quezon province ngayon lang Sabado.

Sa isang video ay makikita ang rapper na nasa loob na ng kanyang selda kasama ang kanyang mga bagong ka kosa.

Kahit na siya ay nasa hindi magandang sitwasyon ay hindi nagdalawang isip si J Skeelz na ipakita ang kanyang talento sa rap.

Habang ang mga kasamahan sa loob ng selda ay nagbe-beatbox ay sinabayan naman ito ng freestyle rap ni J Skeelz.

Matatandaan na nahuli si J Skeelz ng mga otoridad na nagbebenta diumano ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P1,000 sa mga undercover agent sa loob ng isang hotel sa Quezon province.

Marami namang fans ang nagulat dahil hindi nila inaakala na mapagbibintangan ang kanilang idol na nagbebenta ng pinagbabawal na gamot.

Wala pang komento ang kampo ng rapper kung ano ang susunod nilang hakbang.

 

Facebook Comments