Mag ama, binawian ng buhay matapos subukang sagipin ang modules sa kanilang bahay sa gitna ng Bagyong Rolly

0

Ikinalungkot ng libo libong netizen ang balita tungkol sa mag ama na inisip parin ang edukasyon kahit na nasa gitna ng panganib ang kanilang buhay.

Isang ginang ngayon sa Catanduanes ang nagdadalamhati matapos siyang mawalan ng anak at asawa matapos ang pananalasa ng Bagyong Rolly sa kanilang lugar.

Ayon kay Liwayway Jacob ay hindi na nakabalik ng buhay ang kanyang mag amang sila Maria Jacob at Mecaella Jacob matapos nilang subukan na sagipin ang modules sa kanilang tahanan.

Kinokonsiderang breadwinner ng pamilya Jacob si Mecaella at running for honor pa ito sa kanilang eskwelahan.

Dahil sa seryoso ito sa pag aaral ay pinilit nilang kunin ang mga modules dahil maari itong makaapekto sa kanyang mga grades kaya’t kahit na mapanganib ay sumuong parin sila sa gitna ng hagupit ni Rolly.

Natagpuan ang katawan ng mag ama sa may ilog limang minuto ang agwat sa kanilang tinitirhang bahay.

Hawak hawak pa daw ni Mecaella ang kanyang module ayon sa mga nakakita sa kanila.

“Wala sanang iwanan, pero nauna na sila” ani Mrs. Jacob.

“Pero masaya na rin po ako dahil magkasama naman sila ng papa niya,”
dagdag niya pa.

Humihingi rin ng tulong si Mrs. Jacob sa mga kinauukulan dahil sa wala silang naiwan na pera at ang mister lang daw niya ang talagang naghahanapbuhay sa kanila.

Nagparating naman ng pakikiramay ang mga netizens sa pamilya Jacob.

Facebook Comments
Previous articleAiko Melendez, tila may pasaring kay G Tongi matapos nitong banatan si Arnell Ignacio: “Wag ka manghamak ng tao”
Next articleFlip-top artist na si J Skeelz, nag ‘freestyle rap’ pa sa loob ng kanyang selda matapos mahuli sa buybust
Rodrigo Extramadura is a Computer Engineering graduate who found his real passion in writing and following the daily happenings in the country.