Binanatan ni G Tongi si dating Assistant Vice President for Community Relation and Services ng PAGCOR na si Arnell Ignacio dahil sa post nito tungkol sa mga artista na kritiko ni Pangulong Duterte.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Arnell na mahirap ng ipagtanggol ang mga artista ngayon sa mga akusasyon na hindi sila katalinuhan dahil sa mga komento nila.
“Noon ang artista kadalasan ang tingin e mahina ang ulo… na stereoyped kung baga. Nakaka sama nga ng loob noon …pero ngayon ang hirap na ipagtanggol. Ang daming prueba eh.me yabang pa nga sa kat*ngahan e,” ani Arnell.
Nag post si Arnell kasunod ng pagbatikos ng aktres na si Angelica Panganiban sa isang mataas na opisyal na tinanong kung matutulog nalang ba ito sa gitna ng Bagyong Rolly.
Hindi naman nagpaawat si G Tongi at bumanat ito sa kanyang Twitter para paalalahanan si Arnell na magdahan dahan sa kanyang mga sinasabi sa kanyang mga kasamahan sa showbusiness.
“Arnel- dahan dahan lang sa pag atake ng mga kasamahang sa industrya na ginagamit lang naman ang kanilang boses na karapatan naman nila… Sa kaalaman ko, ang may mahinang ulo ay yung di tumutubong buhok mo, kaya tuloy naka plug ins ka,” saad ng dating celebrity na ngayo’y naninirahan na si Amerika.
Arnel- dahan dahan lang sa pag atake ng mga kasamahang sa industrya na ginagamit lang naman ang kanilang boses na karapatan naman nila… Sa kaalaman ko, ang may mahinang ulo ay yung di tumutubong buhok mo, kaya tuloy naka plug ins ka…😜✌🏾 https://t.co/CvrvgsKUbH
— Giselle Töngi (@gtongi) November 4, 2020
Hindi naman nagbigay ng komento si Arnell sa mga batikos ni G Tongi sa kanya.
Matatandaan na isa sa mga pinakasikat na artista si G Tongi noong 90s-00s.
Umalis siya sa Pilipinas noong 2000s upang subukan na magkaroon ng career sa Hollywood.
Kilala namang kritiko ni Rodrigo Duterte si G Tongi habang taga suporta naman ng Pangulo si Arnell.