Home Celebrities Aiko Melendez, tila may pasaring kay G Tongi matapos nitong banatan si Arnell Ignacio: “Wag ka manghamak ng tao”

Aiko Melendez, tila may pasaring kay G Tongi matapos nitong banatan si Arnell Ignacio: “Wag ka manghamak ng tao”

0

Tila may patama ang aktres na si Aiko Melendez kay G Tongi matapos nitong batikusin si Arnell Ignacio dahil sa isang Facebook post nito tungkol sa mga artista na minamaliit ng publiko.

Tila hindi naman nagustuhan ni Aiko ang banat ni Tongi kay Ignacio.

Sa isang social media post ay sinabi ni Aiko na ang mga tao naman ay may kanya kanyang opinyon sa pulitika at kahit na hindi magkasundo sundo ang ilan ay hindi dapat idaan sa pamemersonal ang kanilang mga banat.

“Lahat naman tayo me kanya kanyang opinion sa pulitika. Me kanya kanya paniniwala pero hindi kasi ako sang ayon na namemersonal ka sa pagtira ng kapwa mo. Pwede naman kasi ang issue is about mishandling of some things, pero para tawagin mo kalbo o panget o ano man kapintasan ng isang tao hindi tama.. #justsaying,” ani Aiko.

“Wag ka manghamak ng tao. Nakakalungkot naman. Dito na papunta ang argumento ng isang bagay. Personalanan.. Lahat tayo ay me kalayaan sa pagpuna ng isang pagpapatakbo sa bayan pero pag nauwi sa personalan ano tawag dun? Think before you click nga diba. Gather facts muna,” dagdag niya pa.

Ipinalawag pa ni Aiko na gawa ng Diyos ang nilalait ni Tongi.

Hindi man binangit ni Aiko kung sino ang pinapatamaan ay marami na ang sigurado na si G Tongi nga ang binabatikos ng aktres.

Nagpasalamat rin si Arnell sa pagtatangol sa kanya ni Aiko.

Matatandaan na binanatan ni G Tongi si Arnell sa kanyang Twitter at pinuna ang hindi daw tumutubong buhok ng TV host na kilalang taga suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Arnel- dahan dahan lang sa pag atake ng mga kasamahang sa industrya na ginagamit lang naman ang kanilang boses na karapatan naman nila… Sa kaalaman ko, ang may mahinang ulo ay yung di tumutubong buhok mo, kaya tuloy naka plug ins ka,” saad ni Tongi.

Facebook Comments