Home Celebrities Opisyal ng gobyerno may banat kay Angelica Panganiban: “Ma’am, wala pa nga po kami halos tulog”

Opisyal ng gobyerno may banat kay Angelica Panganiban: “Ma’am, wala pa nga po kami halos tulog”

0

May banat ang isang opisyal kay Angelica Panganiban matapos itong mag tweet tungkol sa aksyon ng gobyerno sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Rolly sa bansa.

Matatandaan na binatikos ni Angelica ang isang opisyal ng gobyerno na diumano’y patulog tulog lang kahit na mayroong nangyayari sa bansa.

“Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga pilipino,” ani Panganiban.

May tugon naman ang assistant secretary ng Department of Transportation (DOTr) na si Goddess Hope Libiran sa mga banat ni Panganiban na kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Libiran ay hindi na nga sila nakatulog dahil sa kakatrabaho sa gitna pananalasa ng Bagyong Rolly.

May tila pasaring din si Libiran kay Panganiban at sinabing dapat ay nagtutulungan ang mga tao sa panahon na ito imbis na naghihilahan pababa.

“Ma’am, wala pa nga po kami halos tulog. Alam n’yo po ba ang dapat ginagawa kung may nararanasang kalamidad ang bayan? BAYANIHAN po, hindi HILAAN PABABA. Just saying. Hindi po ako galit. Puyat lang.” ani Libiran.

Kahit si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant Secretary at Spokesperson Celine Pialago ay nagbigay din ng komento sa mga sinabi ni Panganiban.

“Bakit ganon ano sister?” saad ni Pialago na nakaranas din ng batikos noong nakaraang linggo dahil sa isa niyang social media post.

Sinabi naman ni netizen Robert Francisco na dapat ay hindi na pinapansin ang mga taong katulad ni Panganiban dahil wala naman daw alam ang mga ito sa mga isyu sa bansa.

“You don’t need to call her mam, she’s a nobody. Nagkataon lang na artista at sikat, her opinion is not above ours. Hopefully commoners like us stops treating these woke artists like royalties kaya lumalaki ang mga ulo at akala mo all knowing sa lahat ng bagay mga di naman nakatapos ng pag-aaral. Wala namang alam yang mga yan,” ani Francisco.

 

Facebook Comments