Home Celebrities Agot Isidro, sinabihan ang isang international star na ibigay ang kanilang donasyon sa Office of the Vice President

Agot Isidro, sinabihan ang isang international star na ibigay ang kanilang donasyon sa Office of the Vice President

0

Pinuna ng ilang netizens ang aktres na si Agot Isidro dahil sa tila panghihingi nito ng donasyon sa international actor na si Mark Ruffalo na nakikiisa ngayon sa pagdarasal para sa mga apektado ng bagyong Rolly.

Sa isang tweet ay hinimok ni Ruffalo, na gumanap bilang The Incredible Hulk sa The Avengers ang kanyang mga followers na ipagdasal ang mga naninirahan sa Pilipinas dahil sa lakas ng bagyong Rolly.

Sinabi rin ni Ruffalo na dapat ay maghanda na ang mga tao sa pagpapadala ng donasyon sa Pilipinas.

Isa si Agot sa mga naki comment kay Ruffalo at hinimok nito ang aktor na ipadala na lamang ang kanyang donasyon sa opisina ni Bise Presidente Leni Robredo.

“Please send donations to the Office of Vice President @lenirobredo Thank you!” ani Isidro.

Tumaas naman ang kilay ng ilang netizens na nakita ang comment ni Isidro.

“Si Agot naman wala ng ibang binabantayan kundi donation,” ani @Cy_bor

Tinawag namang panlilimos ng blogger na si RJ “Thinking Pinoy” Nieto ang ginagawa ni Isidro sa social media.

“Hindi pa tayo naghihikahos nang todo, nanlilimos na agad si Agot. Konting dignidad naman ineng,” saad ni Nieto.

May isang netizen naman na sinabing dapat ay hindi maniwala basta basta ang artista sa mga paninira ng ilang tao sa bansa at sa Pangulo.

“Thank you. We appreciate your concern. Don’t listen to other people who are saying that our president is not doing anything. They’re here to spread lies and to misalign our government. Not everything they say is true,” sabi ni @ShameOnYouPpl

Kilalang taga suporta ni Robredo at kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte si Isidro.

Matatandaan na nagalit din noon si Agot matapos magbanta si Pangulong Duterte na hindi niya kailangan ang assistance ng Amerika.

β€œUnang-una, walang umaaway sa iyo. As a matter of fact, ikaw ang nang-aaway. Pangalawa, yung bansa Kung saan ka inuluklok ng 16 million out of 100+ million people ay Third World. Kung makapagsalita ka parang superpower and pilipinas eh. At excuse me, ayaw namin magutom. Mag-isa ka na Lang. wag kang mandamay. Hindi na nga nakakain ang nakararami, gugutumin mo pa lalo,” ani Isidro noon.

Facebook Comments