Home Celebrities Super Tekla, ibinahagi kung paano niya naiwasang gumawa ng masama sa sarili sa gitna ng isyu na kinakaharap niya dahil sa dating kinakasama

Super Tekla, ibinahagi kung paano niya naiwasang gumawa ng masama sa sarili sa gitna ng isyu na kinakaharap niya dahil sa dating kinakasama

0

Ibinahagi ng komedyante na si Super Tekla ang kanyang sikreto kung paano niya naiwasan na magpatalo sa tukso ng pagbabalik sa kanyang masamang bisyo sa gitna ng kontrobersiya na kinaharap niya dahil sa pagsusumbong ng kanyang dating kinakasama na si Michelle Lhor Bana-ag sa Raffy Tulfo in Action.

Sa part two ng panayam ni Ogie Diaz kay Tekla ay ikinuwento ng komedyante kung bakit hindi siya nagbalak na bumalik sa masamang bisyo upang takasan ang problemang kinaharap niya.

Matatandaan na inamin niya noon na nalulong siya sa masamang bisyo dahil sa pakikipaghiwalay niya noon sa kanyang dating asawa.

Inamin din ni Tekla na noon ay talagang pagbibisyo ang kanyang paraan upang takasan ang problema.

Pero ayon kay Tekla ay iba ang nangyari ngayon, dahil may mga ginawa siyang paraan upang maiwasan na gumawa muli ng kamalian sa buhay.

“Sa ganong sitwasyon ang parating kapit, bisyo ganon ang style ko dati, ngayon nalabanan ko, alam mo ang ginawa ko? Hindi ko in-absorb ‘yung issue, para makapag isip ako kung ano ang gagawin ko,” ani Tekla.

“Noon una umiyak ako, iniyak ko ng isang buhos, syempre kahit isipin ko na matulog ay hindi ako makakatulog talaga dahil pumapasok kasi talaga sa isip ko at sa puso ko, kaya noong mga ilang araw ay pinilit kong matulog para mapahinga ‘yung isip ko,” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay kung paparusahan niya lamang ang kanyang sarili ay wala siyang mahahanap na solusyon sa problemang kinakaharap niya dahil kay Michelle.

Ikinuwento niya rin kung ano ang kanyang ginawa pagbalik niya sa kanyang condominium unit matapos itong iwan ng kanyang dating kinakasama.

Ayon sa kanya ay tatlong araw siyang hindi kumain at kahit na pilitin niya ay hindi niya ito magawa dahil sa pag iisip.

“Wala akong nararamdamang gutom,” saad ni Tekla.

Matapos ang tatlong araw ay may nagmalasakit na kaibigan sa kanya at kinamusta ang kanyang kalagayan.

Sinabi niya rin na para hindi siya maapektuhan ay hindi niya pinanood ang isyu sa social media kasama na ang mga episode ng Raffy Tulfo in Action kung saan ay pinag uusapan siya.

“Kung panonoorin ko yan lalo lang akong manlulumo,” ani Tekla.

 

Facebook Comments