Home Celebrities Komedyanteng si Super Tekla may mensahe sa ‘ginugutom na kapatid’ ng kanyang dating kinakasama na si Michelle Lhor

Komedyanteng si Super Tekla may mensahe sa ‘ginugutom na kapatid’ ng kanyang dating kinakasama na si Michelle Lhor

0

May mensahe si Super Tekla sa kapatid ng kanyang dating kinakasama na si Michelle Lhor Bana-ag na ilang araw lamang ang nakakaraan ay inakusahan ang komedyante na hindi sila pinapakain sa tamang oras.

Sa panayam ni Ogie Diaz tinanong niya si Tekla kung ano ang mensahe niya sa kapatid ni Michelle na sinabing ginugutom sila.

Isa lamang ang payo ni Tekla sa kapatid ni Michelle ay ‘yun ay ang matutong maghanap buhay para maranasan nila kung ano ang hirap ng kumikita ng pera.

“Ang message ko lang sa kanya ay magtrabaho kayo, magbanat kayo ng buto para maramdaman niyo ang halaga ang sakripisyo ko,” ani Tekla.

“Magtrabaho kayo, magsikap kayo magbanat kayo ng buto ‘yun ang sagot sa nararamdaman ko, para maintindihan niyo,” dagdag niya pa.

Pero hiling din ni Tekla na sana ay matapos na ang isyu at hindi na magtagal ang batikos na  natatanggap ng pamilya ni Michelle.

Isa ang kapatid ni Michelle na nakikitira noon sa condominium ni Tekla at isinama pa nito ang kanyang boyfriend.

Matatandaan na nag viral sa social media ang pahayag ng kapatid ni Michelle dahil sa sinabi nito na hindi na sila nakakakain sa tamang oras dahil sa ugali ni Tekla.

Pero kitang kita naman sa camera ang tila malusog na pangangatawan ng kapatid ni Michelle kaya’t hindi ito basta basta pinaniwalaan ng mga netizens.

Sa isang pahayag ay sumubok pa nga itong makipag usap muli kay Tulfo, ngunit hindi na ito pinaunlakan ng mamamahayag.

“No, ayokong makausap yung mataba mong kapatid. Wala siyang pakialam dito,” ani Tulfo.

“Pati yung kapatid mo, mamaya ipapatokhang ko pa ‘yang kapatid mo. Siguro lahat kayo diyan, magkakapatid, sama-sama naggu-good time!” dagdag niya pa.

Kung magpapadala rin daw ng grocery si Tulfo ay dapat hindi makinabang ang kapatid ni Michelle dito.

 

Facebook Comments