Home Celebrities Super Tekla, ikinuwento kay Ogie Diaz ang kanyang masalimuot na pinagdaanan sa kanyang kinakasama na si Michelle Lhor

Super Tekla, ikinuwento kay Ogie Diaz ang kanyang masalimuot na pinagdaanan sa kanyang kinakasama na si Michelle Lhor

0

Ikinuwento ng komedyante na si Super Tekla ang kanyang pinagdaanan sa kamay ng kanyang dating kinakasama na si Michelle Lhor Bana-ag sa loob ng anim na taon nilang pagsasama.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, na siyang talent manager ni Raffy Tulfo ay ikinuwento niya kung paano siya naging mabait na karelasyon kay Michelle kahit na hindi na maganda ang ginagawa sa kanya ng kanyang kinakasama.

Ayon sa kanila ay kahit na nakikipagtalo siya kay Michelle ay tanging bibig niya lamang ang ginagamit niya at hindi niya pinagbuhatan ng kamay ang kanyang kinakasama.

“Hindi ako namimisikal talaga. Kaya kong ilabas yung temper ko sa sigaw,” ani Tekla.

Sinabi niya na si Michelle talaga ang namimisikal sa kanya at kahit ang kanyang kapatid ay nakikisali rin minsan sa kanilang away.

Umabot din diumano sa punto na kinailangan niyang isugod sa ospital dahil sa kanyang mga tinamo dahil sa pinagtulungan siya ni Michelle at ng kanyang kapatid.

Ngunit noong dinala niya sa barangay ang reklamo niya ay walang nagawa ang mga opisyal dahil unang beses lang nilang makatanggap ng sumbong tungkol sa isang lalake na pinagbubuhatan ng kamay ng kanyang kinakasamang babae.

Ibinahagi niya rin na kahit na napakatagal na nilang magkarelasyon ay may mga hindi parin alam si Tekla sa kanyang kinakasama.

“Si Michelle, napaka misteryoso niya as in,” saad ni Tekla.

Nagkakilala diumano sila ni Michelle noong siya ay walang wala sa buhay.

Hindi naman makapaniwala si Tekla na aabot na sa social media at sa Raffy Tulfo in Action ang kanilang personal na problema.

Matatandaan na isinumbong ni Michelle si Tekla kay Tulfo, ngunit sa huli ay binawi rin ng mamamahayag ang kanyang tulong sa kinakasama ng komedyante dahil sa tila mga kwestiyonable nitong ginagawa.

Sa kanilang huling pag uusap ay nagdesisyon na rin sila na maghiwalay na lamang at pag usapan nalang ang kustodiya ng kanilang anak.

Facebook Comments