Home Celebrities Raffy Tulfo binawi ang tulong sa kinakasama ni Super Tekla dahil ayaw patunayan na hindi siya “adik”

Raffy Tulfo binawi ang tulong sa kinakasama ni Super Tekla dahil ayaw patunayan na hindi siya “adik”

0

Nag desisyon si Raffy Tulfo na bawiin ang kanyang mga tulong sa kinakasama ng komedyante na si Super Tekla dahil diumano sa mga itinatago nitong lihim.

Sa bagong episode ng Raffy Tulfo in Action ay biglang umatras si Michelle Lhor Bana-ag sa hamon ng nasabing programa na siya ay magpa test kung siya ba ay gumagamit ng bawal na gamot.

Nakatakda sanang dumaan sa hair follicle test si Michelle, ngunit bigla na lamang itong umatras dahil diumano sa payo ng kanyang tiyahin na nag aalala sa maaring epekto ng test sa kanyang kalusugan.

“Ma’am advice po ng tita ko na wag daw po igalaw buhok ko kasi mag 4 months palang po akong nakakapanganak. Baka daw po anong mangyari sakin lalo’t may binat po ako kasi sumasama po pakiramdam ko,” ani Michelle.

Hindi naman napigil ni Tulfo na ipakita ang kanyang pagkadismaya at inakusahan si Michelle ng hindi pagsasabi ng totoo.

Ayon kay Tulfo ay maaring mawala ang kustodiya ni Michelle sa kanyang anak kung mapatunayan na siya ay gumagamit parin.

“Eventually matatatanggal (ang custody) sa’yo… ‘yun sa anak ipapatanggal ko rin dahil gagawa ng assessment ng DSWD at lilitaw na gumagamit ka parin at ‘yan ay ibibigay kay Tekla,” ani Tulfo.

“Kahit umiyak ka pa, wala na akong pakialam dahil huling huli ka na, hindi mo na ako madadala sa iyakan,” dagdag niya pa.

Pinagsabihan pa ni Tulfo si Michelle na puro siya paghahamon at ngayon ay binabalikan na siya.

“Hamon pa more, pati anak mo mawawala sa’yo dahil papa-transfer ko ‘yan kay Tekla, dahil nakikita ko na hindi ka karapatdapat mag alaga ng bata dahil gumagamit ka parin,” ani Tulfo.

Hindi pa nagbibigay ng komento si Tekla sa mga pahayag ni Tulfo.

Matatandaan na sa mga unang araw ng pagrereklamo ni Michelle ay kinampihan siya ng mga netizens, ngunit habang tumatagal ay tila pumapanig na unti unti ang madla kay Tekla.

 

Facebook Comments