Home Celebrities Apo ni Dolphy ibinunyag na mayroon diumanong ibang karelasyon ang kinakasama ni Super Tekla

Apo ni Dolphy ibinunyag na mayroon diumanong ibang karelasyon ang kinakasama ni Super Tekla

0

Isiniwalat ng apo ng comedy king na si Dolphy ang diumano’y pagtataksil ng kinakasama ni Super Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag.

Sa isang post na nag viral na rin sa social media, inilahad ni Rowell Quizon ang diumano’y totoong pagkatao ni Michelle na isa daw ‘tomboy’.

Ayon kay Quizon, naging kasamahan niya si Tekla sa isang comedy bar at nakikita niya na minsan ay dinadala pa ni Michelle ang kanyang kasintahang babae sa nasabing establisyimento.

Alam diumano ni Tekla ang ginagawa ng kanyang kinakasama, ngunit dahil sa mahal niya ito ay tiniis niya na lamang ang mga pinapakita ni Michelle sa kanya.

Sinabi pa nito na minsan ay napapagastos ng malaki si Tekla dahil nagdadala pa si Michelle ng mga kaibigan niya sa comedy bar at nililibre ang mga ito.

“Pag may show si tekla kasama mo pa jowa mong babae nilunok ni tekla yung galit maging masaya ka lang.. pati tropa ng jowa mo na isang katutak ang inoorder sa bar makapagpasikat ka lang lahat ng order nyo unli..yung taong nagpeperpform abono pa sa tf niya sa laki mg bill ng naorder nyo,” ani Quizon.

Minsan pa nga daw ay humihingi pa ng pangastos si Michelle kay Tekla upang magamit sa masamang bisyo daw nito.

Naniniwala si Quizon na ang ginawa niyang pagsusumbong kay Tekla sa Raffy Tulfo in Action ang magiging dahilan upang masira siya sa tao.

Ipinakita pa ni Quizon ang isang post mula sa isang manager ng nasabing comedy bar at sinasabi na nakita niya rin ang mga pinagagawa ni Michelle sa kanyang kinakasama.

Ikinuwento ni Marlon Limpin kung paano diumano siya muntikan ng mabiktima ni Michelle dahil nagpapangap itong si Tekla at nanghihiram ng pera.

“Gagamitin niya phone ni Tekla habang tulog at text ako na nanghihiram ng 20k akala ko si Tekla sasabihin mo over ang gamit ng ATM yun pala olaw lang Michelle ang kausap ko,” saad ni Limpin.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Michelle sa mga akusasyon ni Quizon at Limpin.

 

Facebook Comments