Home Celebrities Kinakasama ni Super Tekla, itinanggi na baraha ang hawak niya sa panayam ni Raffy Tulfo

Kinakasama ni Super Tekla, itinanggi na baraha ang hawak niya sa panayam ni Raffy Tulfo

0

Itinanggi ng kinakasama ng komedyante na si Romeo Librada o mas kilala bilang Super Tekla na baraha ang kanyang hawak sa panayam niya sa mamamahayag na si Raffy Tulfo.

Matatandaan na maraming nag akusa na netizen kay Michelle Lhor Bana-ag na naglalaro ng baraha kahit na siya’y kinakausap ni Raffy Tulfo.

Si Bana-ag ang nag sumbong kay Tulfo tungkol sa mga ginagawa diumanong masama ni Tekla sa kanya at sa kanyang mga kamag anak na nakikitira din sa condominium unit ng komedyante.

Para linawin ang mga akusasyon ay mismong si Tulfo na ang nagtanong kay Michelle kung totoo nga ba ang nakikita ng mga netizen.

Ayon kay Michelle ay face mask ang hawak niya at hindi baraha at ginawa niya na lamang katatawanan ang akusasyon ng ilan laban sa kanya.

“Isang paglilinaw lang Michelle, may mga netizen nagsasabing habang kausap namin kayo kahapon kayo raw ay nagbabaraha?” tanong ni Tulfo.

“Face mask po yun sir, kaya po ako natatawa sa mga pinagsasabi nila.” sagot ni Michelle

Mismong ang team ni Tulfo na rin ang nag kumpirma na hindi baraha ang hawak ni Michelle.

“Ni-review po namin yung video inislowmo po namin at face mask nga po.” sabi ni idol Raffy

May ilan namang mga netizen ang hindi mapigilan na madismaya sa tila pagkampi ni Tulfo sa kinakasama ni Tekla.

“I’m a bit disappointed, the fact that the girl cant explain the exact point is a clear sign of a person telling a lie,” ani Mga Dzai.

“Sir Raffy: I’m just being fair. Me: roll eyes,” saad naman ni Mimay Jewell Mae M.

Facebook Comments