Home Politics Yorme Isko Moreno, pinapatanggal ang mga tarpaulin laban sa NPA sa lungsod ng Maynila: “Uubusin ko po ‘yan”

Yorme Isko Moreno, pinapatanggal ang mga tarpaulin laban sa NPA sa lungsod ng Maynila: “Uubusin ko po ‘yan”

0

Hindi nagustuhan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang mga ikinabit na tarpaulin ng isang grupo laban sa CPP-NPA-NDF sa kanyang nasasakupang lungsod.

Matatandaan na nag viral sa social media ang litrato ng isa sa mga tarpaulin na ikinabit sa Maynila na nagsasabi na “persona-non-grata” maituturing ang CPP-NPA-NDF at dapat ay ipaalam sa otoridad kung may makita sila na miyembro ng nasabing grupo.

Ikinagulat naman ng mga netizen ang reaksyon ni Moreno na matagal ng inihahalintulad kay Pangulong Rodrigo Duterte na ngayon ay isa na sa mga kaaway ng makakaliwang grupo.

Ayon kay Moreno ay hindi niya hahayaang isabit sa kanyang siyudad ang mga nasabing tarpaulin lalo na sa gitna ng pandemya.

“Huwag niyo na po ilagay sa Maynila ‘yan. Uubusin ko po ‘yan,” saad ni Moreno.

“May directive na po ako sa DPS na tanggalin ang mga tarpaulin na ‘to. ‘Di po natin kailangan ang mga ito sa gitna ng pandemya. Dpat magkaisa po tayong mga Pilipino,” dagdag niya pa.

Sa isang panayam ay sinabi niya na napakadami ng masasamang nangyayari kaya’t hindi na dapat itong dagdagan ng mga aksyon na katulad ng pagsasabit ng tarpaulin laban sa isang grupo.

Sinabi niya pa na kahit pro o anti-government ay hindi niya hahayaan na gumawa ng mga ganito sa kanyang siyudad.

“Ang sa akin lang, dapat time out muna, hayaan niyo muna na nakatutok muna tayo sa problema natin,” saad niya.

 

Facebook Comments