Home Celebrities Kinakasama ni Super Tekla, naglalaro nga ba ng baraha sa gitna ng panayam sa kanya ni Raffy Tulfo

Kinakasama ni Super Tekla, naglalaro nga ba ng baraha sa gitna ng panayam sa kanya ni Raffy Tulfo

0
Kinakasama ni Super Tekla, naglalaro nga ba ng baraha sa gitna ng panayam sa kanya ni Raffy Tulfo

Ilang araw lang ang nakakaraan ay binulabog ang mga netizen ng isang kagulat gulat na rebelasyon mula sa kinakasama ng komedyante na si Romeo Librada, o mas kilala bilang Super Tekla.

Sa programa ni Raffy Tulfo ay inakusahan ni Michelle Bana-ag si Tekla ng mga hindi kaaya ayang bagay na kanyang ginawa sa harapan ng kanilang anak.

Pinipilit din diumano ni Tekla ang kanyang kinakasama na makipagsiping dito at kung tumanggi man ito ay hindi nito bibigyan ng panggastos ang kaniyang mag ina.

Marami ang bumatikos kay Tekla matapos ang rebelasyong ito ni Michelle, ngunit tila may ilang netizen ang kumampi sa komedyante.

Isa na rito ay ang paglalaro daw ng baraha ni Michelle sa kalagitnaan ng kanyang panayam sa programa ni Tulfo.

Napansin ng mga netizen na habang nagsasalita si Michelle ay tila may hawak siya na diumano’y baraha daw.

Inamin rin ni Michelle sa nasabing programa na siya ay naglalaro talaga ng baraha, ngunit kasama niya lagi si Tekla na na isyu na rin noon dahil sa kanyang pagkahumaling sa larong bingo.

Si Tekla rin diumano ang nag turo sa kanya na maglaro ng baraha.

Ngunit ayon naman sa mga taga suporta ni Michelle ay hindi baraha ang hawak hawak ng kinakasama ng komedyante.

Ayon kay netizen Angela Cruz ay face mask ang hawak ni Michelle at hindi baraha.

Makikita rin ang tila tali ng nasabing face mask sa kamay ni Michelle.

Hinimok din ng mga taga suporta ni Michelle na tigilan na ang pagpapakalat ng pekeng balita tungkol sa kanilang kaibigan.

Marami parin ang nag aabang kung ano ang kahihinatnan ng istoryang ito.

Facebook Comments