Home Celebrities Dating ka live-in ni Super Tekla sinabing hindi siya nakaranas ng masama habang kasama ang komedyante

Dating ka live-in ni Super Tekla sinabing hindi siya nakaranas ng masama habang kasama ang komedyante

0

Sa gitna ng malaking isyu at pagsubok na kinakaharap ngayon ng komedyante na si Romeo Librada o mas kilala bilang Super Tekla ay pati ang kanyang nakaraang relasyon ay naungkat na rin.

Sa programa ng mamamahayag na si Raffy Tulfo ay nakausap rin nila ang dating karelasyon ni Tekla na si Airyn Gonzales.

Kwento nito ay halos walong taon silang nagkasama ni Tekla at nagkaroon sila ng isang anak.

Ikinuwento rin niya kung bakit sila naghiwalay matapos siyang magdesisyon na magtrabaho sa abroad.

Ayon sa kanya ay marami pa siyang gustong tuparing pangarap sa buhay at naniniwala siya na ang kanyang pagta-trabaho sa abroad ay maisasakatuparan ‘yon.

“Bakit po kayo nagkahiwalay?” tanong ni Tulfo

“Kasi medyo bata pa ako, gusto kong maabot ang pangarap ko na matulungan yung pamilya ko kaya nag-abroad ako.” sagot ni Airyn

Hindi daw pumayag si Tekla sa kanyang desisyon na mag abroad ngunit itinuloy niya parin ito kahit na sila’y maghiwalay.

Kahit na hindi nagkaroon ng happy ending ang kanilang relasyon ay ipinagtanggol parin ni Airyn ang kanyang dating kinakasama na si Tekla.

Sinabi niya na hindi naman niya naranasan kay Tekla ang mga akusasyon ng kasalukuyang kinakasama ngayon ng komedyante na si Michelle Bana-ag.

Sa walong taon diumano nilang pag sasama ay hindi siya nakaranas ng mga bagay na ngayon ay inaakusa sa komedyante.

“Ayaw niya po kasing pumayag pero tinuloy ko pa rin yung gusto ko. Mag-kocoment lang din ako dun sa naririnig ko na mnyak raw siya, hindi naman po siya ganung klaseng tao,”

 

Matatandaan na inakusahan si Tekla ng kanyang kinakasama ng pagiging mahilig at minsan ay hindi pa daw sila binibigyan nito ng pera.

Ngunit itinaggi ni Tekla ang akusasyon laban sa kanya at kahit ang kanyang mga kaibigan ay ipinagtatangol narin siya.

 

Facebook Comments