Home Celebrities Enchong Dee tinawag na walang puso si MMDA Asec. Celine Pialago dahil sa komento niya kay Reina Nasino

Enchong Dee tinawag na walang puso si MMDA Asec. Celine Pialago dahil sa komento niya kay Reina Nasino

0
Enchong Dee tinawag na walang puso si MMDA Asec. Celine Pialago dahil sa komento niya kay Reina Nasino

Hindi napigilan banatan ng aktor na si Enchong Dee si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant Secretary at Spokesperson Celine Pialago dahil sa mga komento ng nasabing opisyal sa aktibista na si Reina Mae Nasino.

Matatandaan na kahapon ay tinawag na “drama” ni Pialago ang isyu ni Nasino na naging laman ng pahayagan dahil sa pagkawala ng kanyang anak at sa mahigpit na seguridad na ibinigay sa kanya ng mga otoridad.

“Hindi lahat ng inang nakakulong ay nakapunta sa libing ng kanyang anak. Kaya yung mga sumisimpatya kay Reina Mae Nasino, pag aralan niyo mabuti ang dahilan bakit siya nakulong at kilalanin niyong mabuti kung sino siya sa lipunan,” ani Pialago.

“Masyado ninyong ginagawang pang drama serye sa hapon ang paghihinagpis niya. Tigilan niyo!“ dagdag niya pa.

Isa si Enchong sa mga hindi nagustuhan ang nasabing post ni Pialago at tinawag niya itong walang puso.

Tinanong ni Enchong si Pialago kung kakayanin nga ba kung sakali mang sa kanya mangyari ang nangyari sa nasabing aktibista.

“This person is Heartless and Unintelligent. Ilagay mo ang sarili mo sa kalagayan ng isang ina at mangyari to sayo. Bilang isang tao.. ok lang talaga sayo??” banat ni Enchong.

Samantala ay humingi ng tawad si Pialago sa kanyang mga komento tungkol kay Nasino.

Ayon sa kanya ay ang tinawag niyang drama ay yung mga nakikisakay sa isyu ni Nasino.

“Nagso-sorry ako doon sa mga grieving mothers, to Reina also. Ako po ay personally na nakikiramay,” ani Pialago.

“Hindi ako magwi-withdraw. Pero gusto kong ma-emphasize ‘yung salitang dramaserye. Na-highlight kasi ng netizens natin sa Facebook tila ba binabatikos ko ‘yung paghihinagpis ni Reina. Ang pino-point out ko sa ‘dramaserye’ ay ‘yung mga kababayan natin na kina-capitalize nila ‘yung issue of a grieving mother,” dagdag niya pa.

Idiniin niya rin na hindi siya hihingi ng tawad kung madami man ang nakabantay kay Nasino.

“But for who you are, kung sino ka, kung bakit ka madaming security, that I won’t apologize,”

 

Facebook Comments