Home Politics MMDA Asec. Celine Pialago tinawag na “drama serye” ang isyu ng aktibistang si Reina Mae Nasino

MMDA Asec. Celine Pialago tinawag na “drama serye” ang isyu ng aktibistang si Reina Mae Nasino

0
MMDA Asec. Celine Pialago tinawag na “drama serye” ang isyu ng aktibistang si Reina Mae Nasino

Hindi na napigilan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant Secretary at Spokesperson Celine Pialago na banatan ang tila ay madrama daw na paglilibing ng anak ng nakapiit na aktibista na si Reina Mae Nasino.

Matatandaan na si Nasino ang ina ni baby River na pumanaw kamakailan lamang dahil sa isang sakit.

Marami ang bumatikos sa tila mahigpit na seguridad ng mga otoridad kay Nasino sa kanyang pagdalaw sa lamay at libing ng kanyang anak.

Sa isang Facebook post ay sinabi ni Pialago na kailangan niya ng gamitin ang kanyang boses para pag usapan ang nasabing isyu na ilang araw ding naging laman ng pahayagan.

Ayon kay Pialago ay hindi lahat ng mga nakapiit ay nabibigyan ng pagkakataon na katulad kay Nasino.

Dapat din daw pag aralan ng mga nakikisimpatya sa nasabing aktibista ang dahilan kung bakit nga ba siya ay nasa loob ng piitan.

“Hindi lahat ng inang nakakulong ay nakapunta sa libing ng kanyang anak. Kaya yung mga sumisimpatya kay Reina Mae Nasino, pag aralan niyo mabuti ang dahilan bakit siya nakulong at kilalanin niyong mabuti kung sino siya sa lipunan,” ani Pialago.

“Masyado ninyong ginagawang pang drama serye sa hapon ang paghihinagpis niya. Tigilan niyo!“ dagdag niya pa.

Sinabihan pa ni Pialago ang isa sa mga nagtanggol kay Nasino na samahan na lamang sa loob ang aktibista kung naniniwala silang inosente ito.

Umabot ng 7,100 reactions at 500 shares ang nasabing post ni Pialago.

Kilala si Pialago sa kanyang mga komento tungkol sa ilang isyu na kinakaharap ng gobyerno.

Noong nakaraang buwan ay sumikat din ang kanyang opinyon tungkol sa isyu ng Manila Bay rehabilitation.

Facebook Comments