Home Celebrities Karen Davila hindi naiatago ang awa sa “aktibista” na nanay ni baby River: “Bakit ganito kalupit?”

Karen Davila hindi naiatago ang awa sa “aktibista” na nanay ni baby River: “Bakit ganito kalupit?”

0

Hindi naitago ni Karen Davila ang kanyang awa sa kay Reina Mae Nasino matapos niyang makita kung gaano kahigpit ang mga otoridad sa pagbabantay sa nasabing aktibista noong libing ng kanyang anak na si baby River.

Sa isang tweet ay tila sinabi ni Davila na hindi niya nagustuhan ang naging hakbang ng mga bantay ni Nasino at tinawag pang malupit ang trato ng mga ito sa aktibista.

“Aktibista lang po siya.  Bakit ganito kalupit… sa kapwa Pilipino pa?! Absolutely heartbreaking,” ani Davila.

Nahuli si Nasino noong 2019 dahil sa diumano’y pagtatago niya ng matataas na kalibre ng sandata.

Sinabi naman ng Philippine National Police (PNP) na sinusunod lamang nila ang batas.

“The PNP performs its mandate to enforce the law following established procedures with the utmost respect for human rights,” ani PNP spokesperson Brigadier General Bernard Banac.

Samantala, plano namang kasuhan ng isang grupo ang mga taong nagbantay sa nasabing aktibista.

Ayon sa kanila ay maraming ginawang kamalian ang mga nagbabantay kay Nasino, inakusahan din nila ang mga otoridad na inilalayo daw nito ang katawan ni baby River sa kanyang pamilya.

“A separate legal team of 5 NUPL women lawyers with 2 law students quickly volunteered to study, recommend, and prepare a suit or other legal moves vs. BJMP officials and personnel. We are on case build up stage,” saad ni Edre Olalia ng National Union of People’s Lawyers.

Bumanat din ang aktibistang si Renato Reyes sa nasabing isyu at tinawag si Nasino na isang simbolo.

“Reina Nasino is a symbol of what is terribly wrong with the Philippine justice sysstem and the government of Rodrigo DUterte,” ani Reyes.

 

Facebook Comments