Home Social Media Lalake nag bisikleta mula Cavite hanggang Pangasinan upang makita ang nililigawan at makapagsabi ng “I love you” sa personal

Lalake nag bisikleta mula Cavite hanggang Pangasinan upang makita ang nililigawan at makapagsabi ng “I love you” sa personal

0

Isang lalake sa Cavite ang hindi na nag dalawang isip na makita ang kanyang nobya na kanyang nililigawan kahit sa gitna ng krisis na nangyayari ngayon sa bansa.

Sikat sa social media ngayon ang istorya ni John Paul Gatbonton na nakatira sa Cavite matapos niyang tsagain ang 21 oras na biyahe para lamang makarating sa kanyang nililigawan na si Donna Ocomen na taga Anda, Pangasinan.

Gamit lamang ang kanyang bisikleta ay hindi nag atubili si John Paul na puntahan na si Donna na kanyang inumpisahan ligawan noong Pebrero matapos silang magkakilala sa isang Facebook group.

Ayon sa kanila ay nagbalak na silang magkita noong Marso, ngunit biglang nagkaroon ng pandemya kaya’t napilitan sila na ipagpaliban ang kanila sanang pagkikita.

Hindi naman nawalan ng pag asa si John Paul at patuloy paring kinausap si Donna.

Ginawa ni John Paul ang lahat upang makapunta sa Pangasinan katulad ng pag aasikaso niya ng health certificate at travel authority.

Sulit naman daw ang 21 oras na padyak na kanyang ginawa dahil ngayon ay legal na silang magkasintahan at naipakilala narin daw siya sa magulang ni Donna.

“Legal na kami, walang distansya sa love at kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo lahat para sa kanya at maging tapat sa isa’t-isa” dagdag pa niya.” saad niya.

Libo libong netizen ang natuwa at kinilig sa istorya ni John Paul at Donna.

“Sana all minamahal ng jowa,” ani ng isang netizen.

“Ganyan ang lalaki makita Lang ang gf sakripisyo tlaga nya. Tunay n pag ibig Sana all,” saad ng isa pang netizen.

Facebook Comments