Home Celebrities Impersonator na si Ate Glow, dumaan sa kagulat gulat na transformation matapos ang ilang taong pag alis sa showbiz

Impersonator na si Ate Glow, dumaan sa kagulat gulat na transformation matapos ang ilang taong pag alis sa showbiz

0

Ikinagulat ng mga netizen ang tila transformation ng komedyante at impersonator noon na si Renee Hampshire o mas kilala sa kanyang screen name na Ate Glow.

Sumikat si Ate Glow noong 2003 bilang impersonator ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Noong natapos ang tern ni Arroyo ay unti unti naring nawala ang kasikatan ni Ate Glow, kaya’t nagdesisyon itong mag focus sa private life.

May nakilala siyang isang Briton at nagkaroon sila ng happy ending matapos silang magpakasal noong 2016.

Ngayon ay hindi na siya halos makilala ng mga netizen dahil sa laki ng transformation na kanyang ginawa.

Matatandaan na si Ate Glow ay isang transgender woman at alam naman at tanggap na tanggap ng kanyang asawa ang kanyang nakaraan.

Makikita sa kanyang Instagram account ang mga sweet moments nila ng kanyang asawa.

Ngayon ay nakatira na si Ate Glow sa United Kingdom.

Sa isang panayam noon ng ABS-CBN show na “Magandang Buhay” ay ikinuwento niya kung paano sila nagkakilala ng kanyang asawa.

 “Yung hubby ko tsaka ako, nagkakilala kami online. Ano lang yun eh, sa UK, pero hindi siya dating app. Tapos ayun, parang lagi na niyang nili–like. Kumbaga lagi na niyang fina-follow yung mga restaurants, yung mga places na pinupuntahan ko. So may show ako sa Italy, pagbalik ko sa London sabi niya, “sige magkita tayo.” December 30 yun, ako naman, “sige manonood ako mamaya ng sine.” ani Ate Glow.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by H is for Happiness (@reneehampshire) on

“So nag-wine kami, tapos biglang sabi niya na “what are you gonna do?” “well I’m supposed to go to the cinema, I’m supposed to go to the movie house.” Tapos sabi niya, “have you eaten?” Sabi ko, “no” tapos bigla na lang niya akong niyaya na kumain. Tapos naimpress ako sa kanya kasi dinala niya ako sa magandang restaurant.”

Ayon sa kanya ay unti unti silang nahulog sa isa’t isa at sa huli ay nag propose din ang kanyang asawa sa kanya.

Sinupresa din siya ng kanyang asawa bago magtapos ang panayam niya.

“It’s a pleasure to call you my wife. I’m so very proud of you, and I love you very much. We have a fantastic connection and have done since day one. We embrace our similarities and differences, and it makes us a very strong couple together. And as always darling, I love you today, I love you tomorrow, and I love you forever,” saad ng kanyang asawa.

 

Facebook Comments