Isang resort sa Bulacan dinagsa ng mga turista at wala ng social distancing na naipatupad

0
14427

Tila nakalimutan na ng mga turista ng isang resort sa Doña Remedios Trinidad (DRT) sa Bulacan na tayo ngayon ay namumuhay sa ilalim ng new normal dahil sa kumakalat na sakit ngayon.

Sa isang post ni netizen Dilen Desu ay makikita na daan-daang turista ng Caribbean Waves Resort na enjoy na enjoy sa pagligo sa swimming pool.

Makikita dito na hindi na sumusunod ang mga tao sa social distancing measures at wala ring makikita ni isang tao na nakasoot ng face mask.

Ayon sa netizen ay marami pa nga raw ang hindi nakapasok sa nasabing resort at naghintay na lamang sa labas.

Nagbiro pa nga si Dilen na tila nasa normal na ang kalagayan ng bansa ngayon matapos niyang masaksihan ang nangyari sa loob ng resort.

Sinabi niya pa na imbis na magtampisaw siya sa swimming pool ay nanood na lamang siya sa mga tao.

Umabot ng 1,000 shares sa social media ang nasabing video at marami ang hindi napigilan na mag alala sa dami ng tao na nagkadikit dikit sa nasabing resort.

Ayon sa isang panayam noon kay Health Secretary Francisco Duque III ay ligtas naman daw maligo sa swimming pool ang mga tao kung may sapat itong chlorine.

“Makikita naman kulay asul, mayaman iyon sa chlorine; kung kulay berde, malabo huwag po kayong magsu-swimming,” ani Duque.

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang LGU ng Doña Remedios Trinidad, IATF at ang nasabing resort.

Isa ang DRT sa mga pinakadinagsa ng mga turista noong weekend

Facebook Comments