Home Celebrities Christian Merck Grey, kakasuhan ng mga magulang ni Caffey Namindang alyas Makaganda

Christian Merck Grey, kakasuhan ng mga magulang ni Caffey Namindang alyas Makaganda

0

Tila mahaharap sa demanda ang vlogger na si Christian Merck Grey dahil sa mga ginawa nito sa kanyang partner na si Caffey Namindang na mas kilala bilang ‘Makaganda’.

Sa isang video ay makikita ang mga magulang ni Makaganda na gigil na gigil kay Christian dahil sa mga ginawa nito sa kanilang mga anak para lang makahakot ng views sa kanyang vlog.

Ayon sa pamilya Namindang ay hindi sila nakakakuha ng pera mula kay Christian kahit na gamit na gamit na ang kanilang anak na si Makaganda sa mga videos nito.

“Naaawa po ako sa anak ko, bakit po? Bilang pagkamagulang ko, pinapahubad niya (Christian) ang anak ko sa milyon milyong tao at hindi yan humihingi sa akin ng advice kung gagawin niya o hindi, tinatapakan niya ang pagkatao ko, bakit magulang ba siya?” ani Mr. Namindang.

Hindi na naitangi ni Mr. Namindang ang sama ng kanyang loob kay Christian dahil sa mga pinagagawa nito kay Makaganda.

Ikinuwento rin ni Mr. Namindang ang tungkol sa nangyaring proposal ni Christian kay Makaganda at sinabing hindi lang siya makatanggi at napilitang um-absent sa trabaho kahit na sa loob loob niya ay scripted lang ang gagawin ng vlogger sa kanyang anak.

Itinanggi rin niya na ang ginagawa nila ngayon ay parte lang din ng “script” upang pag usapan muli ang kanyang anak at manood ng vlog ni Christian.

“Pag hindi inayos ni Merck ang problema na ito, within this week hindi niya naibigay kay Caffey ang dapat ibigay sa kanya, magsasampa na ako ng demanda, mark my word, alam kong nanonood ka,” ani Mr. Namindang.

 

Facebook Comments