Home Celebrities Caffey Namindang a.k.a Makaganda, binisto si Christian Merck Grey: “Scripted lang po lahat ng video namin”

Caffey Namindang a.k.a Makaganda, binisto si Christian Merck Grey: “Scripted lang po lahat ng video namin”

0

Internet celebrity Caffey Namindang na mas kilala bilang “Makaganda”, naglabas ng sama ng loob tungkol sa kanyang boyfriend at vlogging partner na si Christian Merck Grey.

Sa isang live video, ibinisto ni Makaganda na lahat ng ginagawa nila sa kanilang Youtube vlog ay pawang scripted lamang at walang katotohanan.

Makikita na hindi makontrol ni Makaganda ang kanyang emosyon habang ikinukuwento ang mga masasamang ginawa sa kanya ni Christian.

Inireklamo niya na kinokontrol siya ni Christian sa mga kanilang ginagawa na video at ginagamit pa ang kanyang katawan upang makahakot ng views sa Youtube.

Thumbnail ng isa sa mga video ni Christian Merck Grey, gamit si Makaganda

Ngunit ayon sa kanya ay maliit na halaga lamang ang nakukuha niya sa milyon milyong kinikita ni Christian sa kanyang Youtube channel.

Ayon kay Makaganda ay limang libo lamang ang nakukuha ng kanyang mga magulang kay Christian at minsan ay nagrereklamo pa ang nasabing Youtube vlogger.

“Sa milyon milyong kinikita niya sa isang buwan, limang libo lamang ang ibinibigay sa akin niyan pati kay mama,” ani Makaganda.

Nawalan na rin diumano ng kaibigan si Makaganda dahil sa mas pinili niya na manatili kay Christian sa kabila ng mga ginagawa nitong masama sa kanya.

Binanggit din nito ang nangyaring ‘proposal’ ni Christian sa kanya at sinabing kahit siya ay nabigla sa ginawa ng kanyang partner.

Sinabi ni Makaganda na hindi umano humingi si Christian ng basbas mula sa kanyang mga magulang kaya’t hindi maganda ang mga pangyayari matapos mag propose ang sikat na vlogger noong araw na iyon.

Tumataginting na 170,000 pesos pa daw ang singsing na ginamit ni Christian sa proposal niya kay Makaganda, ngunit sa huli ay nalaman nila na 30,000 pesos lamang ito.

“Hindi po siya nagpaalam sa tatay ko na mag po-propose siya, noong araw na ‘yon hindi maganda ang nangyari, ‘yung proposal na ‘yun hindi po ako naniniwala doon dahil alam ko na hindi totoo ‘yon para lang po ‘yun sa video,” saad ni Makaganda.

“Yung buhay na ibinigay niya sakin, hindi po ‘yun totoo,” dagdag niya pa.

Inakusahan din ni Makaganda ng pambababae si Christian dahil ilang araw na itong nawawala.

Pinagbawalan din daw siyang lumabas ni Christian sa kanyang kwarto dahil hindi daw siya maaring makita ng kahit sino.

“Grabe po ang ginawa niya sakin, three years po akong nag tiis,” sabi niya pa.

Ayon sa kanya ay tiniis niya lahat ng ginagawa sa kanya ni Christian dahil mahal daw naman niya ito.

Umabot ng milyon milyong views ang rebelasyon ni Makaganda sa social media.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Christian Merck Grey sa mga akusasyon laban sa kanya ni Makaganda.

Facebook Comments