Home Celebrities Veronica “Kitty” Duterte, ibinunyag sa isang panayam na nagkaroon na siya ng nobyo at unang halik

Veronica “Kitty” Duterte, ibinunyag sa isang panayam na nagkaroon na siya ng nobyo at unang halik

0

Ibinunyag ni Presidential daughter Veronica “Kitty” Duterte, 15, na nagkaroon na siya ng minamahal.

Sa isang Instagram video na may title na “who had it first” ay inamin ni Kitty na mas nauna pa siyang magkaroon ng nobyo kaysa sa kanyang pinsan na si Princess Avancena.

Nauna rin daw magkaroon ng “first kiss” si Kitty kaysa sa kanyang pinsan.

Ibinahagi rin nila Kitty at Princess ang ilang impormasyon tungkol sa kanilang personal na buhay.

Pero may disclaimer silang inilagay na dapat ay hindi seryosohin masyado ang mga sinabi nila sa video.

“Ooopss…( dont take it seriously) just for fun,” saad ng nasabing Instagram page.

 

View this post on Instagram

 

Ooopss…( dont take it seriously) just for fun❣️😅

A post shared by VERONICA “KITTY” DUTERTE (@kittyduterteupdates) on

Matatandaan na naibalita na noong 2019 ang relasyon ni Kitty sa isang lalake at mismong ang presidential daughter ang nag kumpirma dito.

Ngunit sa isang speech ay ikinuwento ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang babala sa nobyo ni Kitty na noo’y 14-anyos pa lamang.

Sabi ko, ‘Ano ka ba?’ High school pa, parang mag-graduate na, going to college.

“‘Tapos, nung usap, sabi ko, ‘Yang anak ko, kaisa-isa ‘yan sa aking asawa na si Honeylet,'” 

“‘Mahal namin ‘yan, ngayon gusto mo akong makilala, at least, madali kitang hanapin.’

“Sabi ko sa kanya, ‘My daughter is very young and we love her very much.’

“You know, para sa aming mga tatay… I will not talk about the mother because I don’t know what they are feeling of being a woman sa anak niya, pero ako mahal ko ‘yan.

“Sabi ko, ‘Just be patient, bata pa ‘yan.’

“Sabi ko, ‘No physical. Basta huwag mong hawakan maski kamay, okay? She’s only fourteen.’

“‘How old are you?’ Sabi niya, ‘Seventeen.’

“Sabi ko, ‘Huwag mong hawakan ang kamay. Huwag mong halikan ‘yan, hindi pa puwede at hindi sawsawan ‘yan. Huwag na huwag mong gawin.’

“Tinitingnan ko, ‘Kapag ginawa mo ‘yan… I hope that you remember that for all time.'”

Sinabi rin ni Pangulong Duterte na kailangangang protektahan ng mga kababaihan ang kanilang pagiging birhen.

 

Facebook Comments