Estudyante, hindi na naitago ang stress sa dami ng sasagutan na katanungan sa kanyang module

0
28109

Hindi na naitago ng isang estudyante ang kanyang emosyon matapos niyang makita ang dami ng kanyang sasagutan na katanungan sa module.

Sa isang Facebook video na ibinahagi ni Claudine Julia Salazar Quilab, makikita ang bata na umiiyak at tila nagrereklamo na sa kanyang mga magulang dahil sa dami ng kanyang kailangang sagutan.

Inihagis na rin ng bata ang kanyang lapis at tuloy tuloy ito sa pagrereklamo sa kanyang ama.

Ngunit maririnig sa background na hindi pumayag ang ama ng bata na tumigil siya sa pag aaral.

“Kung umiyak ka, may maidagdag ba ito sa iyong mga sagot?” sabi ng ama ng bata.

Hanggang sa magtapos ang video ay hindi mapigilan ng bata na gumalaw galaw dahil sa hindi na niya alam ang kanyang gagawin upang mapagbigyan siya sa pahinga na kanyang hinihingi.

Ayon sa uploader ay 11 na subjects/modules kada linggo ang kailangang tapusin ng bata ngunit binibigyan naman nila ng tamang oras ng pahinga ang estudyante.

Umabot ng 10,000 reaction at 24,000 shares ang nasabing video.

Sa ilalim ng new normal classes ay kailangan ng mga estudyante na sagutan ang module na ibinibigay sa kanila ng kanilang mga guro dahil imposible na magkaroon sila ng face-to-face learning.

May mga grupo naman na kontra sa desisyon ng Department of Education (DepEd) at sinabing sana’y sinuspinde nalang nila ang klase sa buong taon kaysa sa pilitin itong magpatuloy.

 

 

Facebook Comments