Home Netizen's Voice Litrato ng mga guro na sumasagap ng signal sa bubong, scripted ayon sa isang abogado

Litrato ng mga guro na sumasagap ng signal sa bubong, scripted ayon sa isang abogado

0

Isang abogado ang tila hindi kumbinsido sa litratong ng mga guro na nag viral sa social media dahil sa hirap na kinakaharap nila dahil sa mahinang signal ng internet sa gitna ng pagbubukas ng klase sa ilalim ng ‘new normal’.

Sumikat sa social media ang mga guro ng Sto. Nino High School sa Batangas City dahil sa diumano’y kailangan pa nilang umakyat sa bubungan upang makasagap ng signal at makausap ang kanilang mga estudyante.

Ngunit ayon sa isang abogado ay tila may mali sa litratong kuha ng mga guro ng nasabing paaralan.

Inilista niya ang mga dahilan kung bakit naniniwala siya na “scripted” ang nasabing litrato ng mga guro.

“I KNOW SCRIPTED WHEN I SEE ONE

There are so many ways to protest the telecommunications problem in our country than curating a picture and passing it off as real. It is plain dishonest. Remember the Pieta remake of a mother and her dead son that won a Pulitzer that became a poster for the EJK narrative? If you remember that, I am shocked you made the same mistake.

First, ganun talaga kalinis ang bubong? Kung hindi planado, hindi dapat picture perfect ang bubong. Unless, bubong company ang sponsor.

Pangalawa, sabay sabay tumingin sa langit at naghanap ng signal? Even the law of coincidences cannot explain that. Unless, may sumigaw ng wan…to..tri!! Tapos may isang kunwari ay di nakinig kaya nakatayo. Ung pinakamalapit para di halata.

Third, nakita mo ba ang nasa bubong? Nakita mo mga katawan at edad. Merong mga nasa picture na medyo may edad at mataba. Mahihirapan pumunta sa bubong yan. Maniniwala ako kung may safer way going up. And if thats the case, it defeats the human value of the picture, that is, human sacrifice.

Fourth, iba ang dedication at sacrifice sa risky behavior. Putting your life at risk is not sacrifice even in your line of work as a teacher. Hindi gagawin ni Mila yan. Imagine kung nagcollapse ang bubong sa dami nila, anong nangyari sa pobreng tao na nsa loob. They are endangering the lives of others and their own as well.

Umamin kayo na di totoo ito kasi if this is true, lagot ang principal at lagot din kayo bilang guro. Bilang magulang, may diligence ang guro similar to a good father of the family.

Sa palagay niyo, gagawin ng isang nanay ang pumunta sa bubong para makakuha lang ng signal? At kung meron man, anong gamit ng signal kung duon sila maglilive. Magkakarinigan ba sila. Hindi ba mainit kasi bubong nga di ba?

Alam ko na World Teachers Day. At ako ay guro. You can best celebrate teachers not by pandering to them by way of an implausible picture. Just do not insult our intelligence AND a simple thank you will suffice.”

May ilang tao rin na nakapansin sa mga wi-fi modem na dala dala ng mga guro sa litrato.

Ayon sa ilang netizen ay hindi naman gagana ang nasabing modem kung wala itong kuryente.

 

Hindi pa nagbibigay ng komento ang nasabing paaralan sa mga akusasyon na scripted lamang ang kanilang ginawang pagsagap ng internet signal sa bubong.

Facebook Comments