Home Celebrities Angel Locsin, ipinaliwanag kung bakit nadagdagan ang kanyang timbang sa mga nakalipas na buwan

Angel Locsin, ipinaliwanag kung bakit nadagdagan ang kanyang timbang sa mga nakalipas na buwan

0

Maraming netizen ang nagulat sa malaking ipinagbago ng katawan ng aktres na si Angel Locsin, na tinagurian pa noong two-time FHM’s Most Sexiest Woman in the World.

Kamakailan lamang ay ilang litrato ni Locsin ang kumalat at nakita na tila ay lumobo na talaga ang aktres, ngunit ayon sa mga nakasalumuha niya noong araw na iyon ay hindi nagbago ang ugali nito.

Kilala si Locsin bilang isa sa mga pinakamatulungin na aktres sa showbusiness at kahit na hindi na ito masyadong aktibo sa pag arte ay patuloy parin ang pagtulong nito.

Upang malinawan ang mga tao ay ipinaliwanag ni Locsin ang dahilan kung bakit tila hindi na nakikita ng mga tao ang dating hugis ng kanyang katawan.

Sa isang interview noong 2015 ay ibinahagi ng aktres ang kanyang kondisyon sa spine kung saan ay naapektuhan ang kanyang career at naging limitado nalang ang mga pwede niyang gawin.

Ang nasabing kondisyon ang nag pwersa kay Locsin upang umatras sa kanyang pagbabalik bilang Darna.

“I think better na siya. Hindi naman siya mawawala. Mag-i-improve lang condition. Pero iyon na siya for life,” ani Locsin.

Sinabi niya na kahit na siya ay gumaling ay magiging limitado nalang ang kanyang mga pisikal na gawain.

Kung dati rati ay kaya niyang tumalon at iunat ang ilang parte ng kanyang katawan, ngayon ay bawal na ito.

“Noong bumalik ako ng workout, umiyak ako, eh. Naramdaman ko ‘yung mga hindi ko na puwedeng gawin. Dati kasi feeling mo superhero ka talaga, kaya mong gawin lahat,” paliwanag niya.

“Kailangan mong harapin na iba na. Hangga’t hindi mo natatanggap ‘yon, hindi ka mag-mo-move forward kasi, eh,” dagdag pa niya.

Dumaan sa ilang operasyon si Locsin at ang mga gamot na kanyang iniinom para sa maintenance ang naging dahilan ng mabilis na pagdagdag ng kanyang timbang.

May mensahe naman ang aktres sa mga taong kumukutya sa kanyang kasalukuyang hugis.

“Kung iisipin mo, parang maaawa ka na lang sa tao kasi anong klaseng person ka para magawa mo yun? Perfect? Perfect ka? Sobrang perfect mo?”

“Hindi mo na lang papatulan. May mga bagay na hindi mo gagawin sa kapwa mo.

“So itong taong ‘to, comfortable siya na ginagawa niya ‘yan, parang ayoko mag-deal sa mga ganung klaseng mga tao.

“Kasi ang sad, ang sad ng life niya.”

“Kasi ako, wala akong problema. Ba’t ikaw ang dami mong issue? Ako nga walang issue, e.

“Katawan ko ‘to. Ako ‘to, sarili ko ‘to. E, ikaw, okey ka ba?”

Facebook Comments