Home Celebrities Angel Locsin, hinangaan ng mga netizen dahil sa katawan lamang ang nagbago sa kanya at hindi ugali

Angel Locsin, hinangaan ng mga netizen dahil sa katawan lamang ang nagbago sa kanya at hindi ugali

0

Isang netizen ang hindi makapaniwala ng makita niya ng personal ang aktres na si Angel Locsin sa isang simbahan.

Ikinuwento ni netizen Angelica Santos kung paano niya nakita ang kanyang idol na artista sa Our Lady Grace Church sa Caloocan.

Ayon sa kanya ay kahit na nagbago na ang katawan ni Locsin na ngayo’y tumigil na muna sa pag arte ay tila hindi parin nagbago ang ugali nito.

Kilala si Locsin bilang isa sa mga pinakamatulungin at pinakamabait na artista sa showbusiness.

“Katawan lang niya ang nagbago, pero hindi ang pagkatao niya.”

“Magsisimba po kasi kami that day and bibili ng St. Benedict necklace.

Nagulat kami kasi bigla siyang naglakad, so I decided to took some photos.

Sobrang tuwang-tuwa kami kasi ang bait-bait niya.

Noong natapos na sila, pinapauna niya kami sa gate para makalabas.

Sobrang nakaka-overwhelm.”

Ngunit hindi naiwasan ng ilang netizen na husgahan si Locsin dahil sa malaking pagbabago nito sa kanyang katawan.

Mapapansin kasi na nadagdagan ang timbang ng aktres na kilala noon bilang “two time FHM’s World’s Sexiest Woman”

Ayon kay Santos ay hindi tama kung kukutyain ng mga tao si Locsin dahil sa kanyang kasalukuyang

“Pareho kaming lumalaki pero not same ng case, opo mahirap ma-body shame kasi hindi nila alam ‘yung dahilan bakit kami tumataba.

So ang message ko na lang sa kanila, huwag na lang sana kayo mag-comment kung ‘di rin maganda.

Hindi naman namin kailangan mag-explain sa tao kung bakit kami ganito, sana kung paano ninyo tanggapin ‘yung mga sexy, ganoon din ‘yung pagtanggap ninyo kay Angel Locsin.

Katawan lang niya ang nagbago, pero hindi ang pagkatao niya.”

Umabot naman ng libo libong reactions at shares sa social media ang mga litrato ni Locsin.

Facebook Comments