Home Politics Jesse Robredo foundation board member on Duterte’s trust rating: Makakain ba ng tao yang 91%?

Jesse Robredo foundation board member on Duterte’s trust rating: Makakain ba ng tao yang 91%?

0

Isang board member ng Jesse Robredo foundation ang binanatan ang 91% trust rating na nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte ilang araw lang ang nakakaraan.

Matatandaan na lumabas sa isang survey na isinagawa ng Pulse Asia na nakakuha ng 91% trust rating si Duterte kahit na nasa gitna ng pandemya ang bansa.

Isinawalang bahala naman ito ni Harvey Keh, na isa ring blogger at Lead Convenor Movement for Good Governance and Ethical Leadership.

Ayon kay Keh ay hindi naman daw makikinabang ang mga tao sa nakuhang trust rating ni Pangulong Duterte.

“Mapapakain ba ng 91% rating na yan ang mahigit 7 Milyong nagugutom na pamilya ngayong panahon ng pandemya?” tanong ni Keh.

Hindi naman nagustuhan ng ilang taga suporta ni Pangulong Duterte ang banat ni Keh.

Isa si Jefry Tupas ang Chief Information Officer ng Davao City government sa mga bunanat kay Keh at sinabi na hindi rin naman mapapakain ang tao ng 50% trust rating na nakuha ni Vice President Leni Robredo.

“Bakit hindi mo muna kainin ang 50 percent rating ni Leni? Sige nga subukan mong tikman?” ani Tupas.

Maliban kay Duterte at Robredo ay kasama rin sina Senate President Vicente Sotto III (79%), House Speaker Alan Peter Cayetano (67%) at Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta (39%) sa survey.

 

Facebook Comments