Home Social Media It’s Showtime at iba pang na ABS-CBN shows, ipapalabas sa istasyon ni Bro. Eddie Villanueva

It’s Showtime at iba pang na ABS-CBN shows, ipapalabas sa istasyon ni Bro. Eddie Villanueva

0

Muling mapapanood ang ilang show ng ABS-CBN sa free television, ito’y matapos magkaroon ng “deal” sa pagitan ng nasabing kompanya at ZOE TV.

Sa isang statement ay sinabi ng Zoe Channel 11 na pagmamay-ari ni Jesus is Lord founder Brother Eddie Villanueva na magiging A2Z na ang kanilang istasyon.

Kinumpirma ng nasabing estasyon ang blocktime deal sa pagitan ng Zoe at ABS-CBN.

“Starting this October, A2Z will be the home of the newest TV experience for Filipinos as it offers relevant, informative and entertaining content geared towards spiritual strengthening,” saad ng Zoe Channel.

“The rebranded VHF channel will serve viewers with uplifting and inspiring shows of love and hope, educational programs, local and foreign movies, some of the best-loved ABS-CBN shows through a blocktime arrangement,” dagdag pa nila.

Ayon sa ilang balita ay ipapalabas dito ang mga sikat na show ng ABS-CBN katulad ng It’s Showtime, ASAP Natin To at iba pang programa.

Lubos na ikinatuwa naman ng mga taga suporta ng ABS-CBN ang nasabing anunsyo mula sa Zoe.

“It’s OFFICIAL! Praying for the BEST. Salamat Lord. This is a start,” ani Kapamilya journalist Karen Davila.

“Sweet revenge. Better days are coming. Bitter days naman dun sa mga hindi pabor makabalik ang ABS-CBN,” saad ng isa pang Twitter user.

Hindi pa nagbibigay ng komento ang mga kongresista na nanguna sa pagbasura noon ng prangkisa ng ABS-CBN dahil umano sa paglabag nito sa batas.

 

Facebook Comments