Home Politics House Speaker Alan Peter Cayetano, hinamon ng suntukan ng isang kongresista

House Speaker Alan Peter Cayetano, hinamon ng suntukan ng isang kongresista

0

Isang kongresista ang hindi napigilan ang pagkagigil kay House Speaker Alan Peter Cayetano at Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund “Lray” Villafuerte.

Hinamon ng suntukan ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnulfo Teves si Cayetano matapos siyang akusahan ng Speaker na ginagamit ang kanilang posisyon upang gumawa ng iligal na gawain.

Kasama si 1-PACMAN Rep. Mikee Romero sa inakusahan ni Cayetano.

“May mga kasamahan tayo na illegal o illegitimate ang mga negosyo. Or illegitimate o illegal yung business practices,” ani Cayetano.

“Sa tamang panahon, kapag natapos ang budget, I will confront former Deputy Speaker Mikee Romero and Cong. Arnie Teves sa kanilang business practices at ang paggamit nila ng pagiging kongresista para sa illegitimate o illegal na gawain,” dagdag pa niya.

Mariing itinangi ni Teves ang akusasyon ni Cayetano at sinabing wala rin siyang ginagawa upang mapatalsik ang kasalukuyang Speaker.

“Sabihin mo kay Alan Peter [Cayetano] at LRay [Villafuerte] kung gusto nila, magharap kami. Kung gusto nila, magsuntukan kami. Okay lang,” saad ni Teves.

Matatandaan na napabalita na ang sagutan sa pagitan ni Teves at Villafuerte sa Viber group ng Congress.

Inakusahan ni Villafuerte si Teves na ginagamit ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco upang hindi matuloy ang pagkapasa ng 2021 budget sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano.

Ngunit itinangi ni Teves ang akusasyon ni Villafuerte at tinawag niyang alanganin ang kasarian ng Camarines Sur representative.

Pero hindi nagpatinag si Villafuerte at sinabihan si Teves na baka siya ang alanganin.

Umawat naman ang mga kasamahan nila sa kongreso.

Mga ka-alyado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasabing kongresista.

Facebook Comments