Home Netizen's Voice Radio host may mensahe sa kritiko ni Duterte: “Ginawa niyo na lahat, imbis na bumaba tumaas pa!”

Radio host may mensahe sa kritiko ni Duterte: “Ginawa niyo na lahat, imbis na bumaba tumaas pa!”

0
Radio host may mensahe sa kritiko ni Duterte: “Ginawa niyo na lahat, imbis na bumaba tumaas pa!”

Isang radio host ang hindi mapigilang mag react sa pinakabagong survey results na ipinalabas ng Pulse Asia.

Sa nasabing survey ay nakakuha ng 91% trust rating si Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng pandemyang nangyayari sa bansa.

Nakakuha naman ng 79% si Senate President Vicente “Tito” Sotto III, 67% naman kay House Speaker Alan Peter Cayetano, habang 50% lamang ang nagtitiwala kay Bise Presidente Leni Robredo.

Ayon sa radio host na si Mark Lopez ay tila nasayang ang lahat ng pinagpaguran ng mga oposisyon dahil kahit na todo ang batikos nila sa gobyerno ay napakataas parin ng tiwala ng publiko kay Pangulong Duterte.

Binanatan din ni Lopez si Robredo na tila naging aktibo sa pagbibigay ng opinyon sa mga nangyayari sa bansa.

“Ginawa nyo na lahat ng dirty tricks pero imbes na bumaba, tumaas pa TRUST RATING sa 91%. Tapos ung VP (Leni Robredo) nyong mema, ayun, nganga,” ani Lopez.

“Ang tindi na ng effort mo magbida, mang epal at magpabibo pero as VP, ang TRUST rating mo 50%, with 28% undecided and 22% eh small trust lang.
KAMOTE!” dagdag pa niya.

Tila pabiro pa ngang binati ni Lopez si Robredo dahil nakuha nito ang pinakamataas na rating sa “small/no trust” ng nasabing survey.

“Among the top leaders of the land, Leni Robredo got the HIGHEST rating in Small/No Trust at 22%. Si PRRD, 3% lang. Congrats!”

Kahit ang Malacanang ay hindi napigilang magbigay ng mensahe kay Robredo matapos nitong makakuha lamang ng 50% trust rating.

“Naku, madam Leni, mukhang tama ang aking sinabi. Ayaw ng mga Pilipino ang namumulitika sa panahon ng pandemya,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Hindi pa nagbibigay ng komento ang Office of the Vice President sa nasabing resulta ng survey.

Facebook Comments