Home Social Media OFW na pumanaw habang pauwi ng Pilipinas, nagbigay pa ng pahiwatig sa kanyang kapatid bago sumakabilang-buhay

OFW na pumanaw habang pauwi ng Pilipinas, nagbigay pa ng pahiwatig sa kanyang kapatid bago sumakabilang-buhay

0

Isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nakabase sa Saudi Arabia ang binawian ng buhay habang papauwi sa Pilipinas, ilang araw na ang nakakaraan.

Ang OFW na si Leonida Morales ay isang OFW na nakatanggap ng tulong mula kay Raffy Tulfo matapos niyang idulog sa programa ng mamamahayag na siya ay gusto ng umuwi dahil sa kanyang malalang karamdaman.

Sa kanyang reklamo, sinabi ni Morales na hindi siya makapagpagamot sa Saudi Arabia dahil mahal ang gastusin doon.

Pinagbigyan naman siya ni Tulfo at sinabing tutulungan siyang makauwi, ngunit hindi na ito nakaabot ng buhay sa Pilipinas at sa eroplano palang ay binawian na ito ng buhay.

Ayon sa kapatid ng OFW na si Isabelita Dela Rosa ay tila nagparamdam pa si Morales bago ito pumanaw dahil tila ayaw niyang ipababa ang telepono habang sila’y nag uusap.

“Ang sabi niya sa akin nong sasakay na siya sa eroplano, pakinggan ko raw mabuti ‘yung sasabihin niya, at ang sabi niya, binigay raw niya ‘yung contact number ko sa OWWA. Huwag ko raw ilalayo sa katawan ko at tatawagan ako ng OWWA. Hintay ako ng hintay maghapon. Nong mag-aalasinko ng hapon, tumawag sa akin ‘yung kanyang ma’am Cora. At ang sabi ano raw balita namin, kung meron na. Sabi ko wala, ako nga kako e nag-iisip kung bakit alang kontak,” ani Dela Rosa.

“Tapos ‘di nagtagal OWWA naman ang tumawag at kinumpirma sa akin kung kilala ko ‘yung Leonida, kaano-ano ko, kung may pamilya. Ta’s sabi ko walang asawa, dalaga at uuwi na nga kako ngayon. Sabi nakikiramay sila at namatay sa eroplano, kaya pala kako siya sabi nung aalis na siya, huwag kong ilalayo ‘yung aking cellphone sa tabi ko at tatawagan ako ng OWWA. ‘Yun pala ‘yung huling ano niya sa akin. Tsaka noong nakakaraang araw bago siya umuwi, para raw hindi siya uuwi. ‘Yun ‘yong mga paramdam niya sa akin, parang ‘di naman daw siya uuwi,” dagdag pa niya.

Matatandaan na kahit ang reporter na naghihintay sa OFW sa kanyang pag uwi sa Pilipinas ay hindi naitago ang lungkot dahil sa di inaasang pangyayari.

Nangako naman ang team ni Raffy Tulfo na tutulungan ang mga kamag anak ni Morales na makuha ang kanyang mga benefits sa dati niyang pinagta-trabahuhan.

Facebook Comments