Home Social Media Netizens hindi maitago ang gigil matapos makita ang isang lalakeng may kapansanan habang naglilinis ng kalsada

Netizens hindi maitago ang gigil matapos makita ang isang lalakeng may kapansanan habang naglilinis ng kalsada

0

Hindi maitago ng mga netizen ang kanilang galit matapos nilang makita ang kasalukuyang kondisyon ng isang lalake na may kapansahanan habang naglilinis ng kalye sa Pagadian City, Zamboanga Del Norte.

Ipinakita ng concerned netizen na si Mamdouh Gallentes Balatucal sa kanyang Facebook post ang kalunos lunos na pagtrato sa isang matanda na kahit na may kapansahanan ay pinaglilinis parin ng kalsada.

Ibinahagi ni Balatucal ang nasabing istorya sa Facebook page na “Matalinong Matsing” at umaasa na makarating sa mga kinauukulan ang kondisyon ng nasabing lalake.

Siya po ay naglilinis sa my bandang Gate7 Agora market ng Pagadian City Zamboanga del Sur. Tama po ba na hayaan na lang siya sa ginagawa nya? Nililinis niya ang dumi at basura ng ibang tao? My kapansanan po at matanda na si tatay.. Dapat po pinagpapahinga siya,” ani Balatucal.

(He is cleaning near Gate 7 of Agora market in Pagadian City, Zamboanga del Sur. Is it right that this man was allowed to continue with what he was doing? Cleaning up after the trash and dirt left by other people? This man is disabled and already old; it is best that he gets to rest, instead.)

Kung di man natin matulungan sa personal na pangangailangan sana naman po huwag natin hayaan din na maglinis sya at magligpit sa kalat ng iba.” dagdag pa niya.

(If we can’t help him with his personal needs, I hope that he won’t also be made to clean up and clear the trash thrown by others.)

Umani ng daan daang reaksyon ang nasabing istorya.

Ayon sa ilang netizen ay dapat ay pinagpapahinga na lamang ang nasabing lalake o di kaya’y bigyan nalang ng trabaho na hindi masyadong nakakapagod.

Hindi pa nagbibigay ng kumento ang Pagadian City Government kung ano ang maitutulong nila sa nasabing lalake.

 

Facebook Comments