Home Social Media Kampo ni Raffy Tulfo, nakipagusap na sa lalake na pinag-tripan ng barangay dahil hindi ito marunong bumasa

Kampo ni Raffy Tulfo, nakipagusap na sa lalake na pinag-tripan ng barangay dahil hindi ito marunong bumasa

0

Hindi napigilan ng isang netizen na mahabag sa kanyang tiyuhin matapos itong gawing katatawanan ng ilang opisyal ng isang barangay sa Malolos, Bulacan.

Sa isang Facebook post, ipinakita ni Maricar Cruz Sevilla ang quaratine pass na ibinigay ng barangay sa kanyang tiyuhin na si Gorio Capule Paril.

Sa litrato palang ng pass ay tila napagtripan na ang kanyang tiyuhin at nilagyan pa ito ng salitang “hepanget” at “Kobe Panget” katabi ng kanyang pangalan.

Ayon kay Sevilla ay walang alam ang kanyang tiyuhin na siya ay ginagawa na palang katatawanan ng mga taga-barangay dahil hindi naman daw ito marunong magbasa.

Sinabi ng netizen na sana ay ginamit ng mga nasabing opisyal ang kanilang talino upang turuan ang kanyang tiyuhin imbis na gawing katatawanan.

“Sobrang daming taong mapagsamantala ngayon. Porket hindi nakakabasa yung tao ganto bibigay nyong qurantine pass. Kundi ko pa tinignan quarantine pass na sinasabi nya di ko pa malalaman na pinagtripan nyo lang pala yung tito ko. Alam nyo na hindi nakakabasa at hindi nya alam na nilalait nyo na sya sa quarantine pass na ginawa nyo sa kanya. Nasan po yung puso nyo? Sinamantala nyo yung tao. Nakakapag init ng ulo. If you have the knowledge then use it for educating and helping not for degrading and humiliating,” ani Sevilla.

Humingi na rin ng tulong ang netizen sa mamamahayag na si Raffy Tulfo upang ireklamo ang mga nasabing opisyal, ngunit tumanggi ng magbigay ng kumento si Paril.

“Good evening, raffy tulfo’s staff already contacted us pero as of now po, ayaw pong magbigay ng komento ng tito ko, kasi po ayaw nya na daw po lumala ang issue, kahit na gusto namin ilaban, ipapasa diyos nalang po namin kung sino man ang gumawa nun. thanks for your concern po,” saad ni Sevilla.

Hindi pa nagbibigay ng kanilang panig ang mga nasabing opisyal ng barangay.

Umabot naman ng 118,000 reactions and 69,000 shares ang nasabing istorya.

Facebook Comments