Home Celebrities Vice Ganda, Eric Nicolas ibinahagi ang posibleng pagbabalik ng ABS-CBN sa telebisyon?

Vice Ganda, Eric Nicolas ibinahagi ang posibleng pagbabalik ng ABS-CBN sa telebisyon?

0

Ibinahagi ng mga Kapamilya artist na sila Vice Ganda at Eric Nicolas ang posibleng pagbabalik ng ABS-CBN sa free television.

Sa opening ng Friday Episode ng It’s Showtime ay tila nagbigay ng “clue” si Vice sa kanyang mga kasamahan tungkol sa napapabalitang pagbabalik ng Kapamilya network.

Matatandaan na ibinasura ng kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN dahil sa diumano’y paglabag ng nasabing network sa batas.

Pero ayon kay Vice ay dapat mag hintay hintay na ang mga fans dahil may magandang balita na darating sa kanila.

“Naku naku nako, abang abang lang kayo diyan, naku naku naku… Ayaw ko na lang talaga mag salita baka mapagalitan ako pero abang abang kayo diyan,” ani Vice.

“Diba sabi ko sa inyo Madlang Pipol, Better Days are coming, naku.. nako Madlang Pipol abang-abang and Kita kits, I’m sure na e excite na kayo kung ano ang sinasabi naming kita kits” dagdag pa niya.

Hindi naman naitago ng mga kasamahan ni Vice na tumaas ang balahibo sa tuwa dahil sa balitang ibinahagi ng komedyante.

Isa rin si Eric sa mga tila excited na sa pagbabalik nila sa telebisyon.

“Mga Kapamilya, mahal namin kayo kasi mahal n’yo kami. Abang Abang,” ani Nicolas.

Napapabalita na magsasanib pwersa ang ABS-CBN at ZOE TV upang makabalik ang mga palabas ng Kapamilya network sa free television.

Ayon sa summitexpress ay nagkaroon ng “blocktime agreement” sa pagitan ni Brother Eddie Villanueva ng Zoe Broadcasting Network at ng ABS-CBN.

Maliban sa showtime ay ipapalabas din daw sa Zoe TV ang TV patrol, Ang Probinsiyano at ASAP.

 

Facebook Comments