Home Politics Hindi ligtas sa kapaligiran! Bataan Rep. Roman kontra sa pagbubukas muli ng Bataan Nuclear Power Plant

Hindi ligtas sa kapaligiran! Bataan Rep. Roman kontra sa pagbubukas muli ng Bataan Nuclear Power Plant

0

Kontra si Bataan 1st District Representative Geraldine Roman sa balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na buhayin ang kontrobersiyal na Bataan Nuclear Power Plant.

Ilang araw lang ang nakakaraan ay iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na umpisahan na ang consultation sa mga residente malapit sa nasabing power plant.

Sa isang video ay ipinakita ni Roman ang kanyang pagtutol sa nasabing plano ng gobyerno.

“Bilang mamamayan at congresswoman ng unang distrito ng Bataan ay hindi po ako sangayon sa pagbubukas ng Bataan Nuclear Plant,” ani Roman.

Ayon sa kanya ay hindi sila kumpiyansa na bubuhayin muli ang nasabing nuclear power plant kahit na luma na ito.

“I feel that hindi po mapapanatag ang aming kalooban na mayroong isang luma nang nuclear power plant na gagamitin pa ulit,” saad niya.

“It’s been more than 30 years na sarado na siya, in fact it was never operational. Baka obsolete na ang kanyang technology at may mga cracks and fissures na yan,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Roman na hindi akma sa itinutulak nilang sustainable eco-tourism ang pagbuhay sa nasabing planta.

Nag aalala siya na baka hindi na maging ligtas languyan ang mga beaches sa Bataan kung sakali mang ituloy ng gobyerno ang kanilang binabalak.

“Kayo ba lalangoy sa bandang Morong at Bagac kung alam niyong operational doon ang Bataan Nuclear Power plant? Hindi po diba,” sabi niya.

Itinayo ang 632 megawatts na Bataan Nuclear Power Plant noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ngunit isinara ito sa ilalim ng administrasyon ni Corazon Aquino dahil sa takot na hindi ito maging ligtas.

Sinabi rin ni Russian Abassador Igor Khovaev noon na hindi na maaring mabuhay pa ang Bataan Nuclear Power Plant dahil sa “outdated” na ang teknolohiyang ginagamit ng nasabing planta.

 

Facebook Comments