Home Politics Pangulong Duterte sinabing sinubakan niyang mag resign bilang Presidente dahil sa korapsyon sa gobyerno

Pangulong Duterte sinabing sinubakan niyang mag resign bilang Presidente dahil sa korapsyon sa gobyerno

0

Hindi na naitago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagkadismaya sa patuloy na korapsyon na nangyayari sa gobyerno.

Sa kanyang pinaka latest na speech ay sinabi ni Duterte na umabot sa punto na gusto niya ng umalis sa kanyang pwesto at umuwi nalang sa Davao City dahil sa nakakasawang paglaban niya sa korapsyon.

Binangit ni Pangulong Duterte ang “pastillas scheme” sa Bureau of Immigration at ang korapsyon na nangyayari sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

“Ewan ko kung sabihin ko ito sa inyo. I offered to resign as President. Pinatawag ko ‘yung lahat ng…kasi nagsasawa na ako. In my years of government…wala nang katapusan itong corruption,” ani Duterte.

“Mahirap talaga pigilin. ‘Yung mga pastillas, hanggang ngayon. Even with the investigation or the clamor for the government to shake the tree, wala, hanggang ngayon. It’s being committed everyday,” dagdag pa niya.

Sinabi rin nito na susubukan niyang tapusin ang korapsyon sa PhilHealth at i-reoganize ang nasabing ahensya.

“I want Congress to know that I’m ready to appear there in Congress and discuss with them…how we can cut corruption,” saad niya.

“Kung ako lang ang masunod—I appeal again to Congress. I cannot fight corruption. I cannot find an answer for…how to move people who are…finding fault and resisting moves of the government to improve.” dagdag niya pa.

Isa ang korapsyon sa Philhealth sa mga malalaking isyu na kinakaharap ngayon ng administrasyong Duterte.

 

Facebook Comments