Home Social Media Foreigner na naging pagala gala matapos iwan ng kanyang Pilipinang asawa, tinulungan na daw ng kanyang kababayan at Embassy

Foreigner na naging pagala gala matapos iwan ng kanyang Pilipinang asawa, tinulungan na daw ng kanyang kababayan at Embassy

0

Foreigner na sumikat sa social media dahil sa kanyang masalimuot na love story sa Pilipinas, maari ng makauwi sa mga susunod na araw sa kanyang bansa.

Maalalang sumikat ang istorya ni Holger Solager na mula pa sa Denmark dahil sa naging palaboy ito at napilitang matulog sa kalye matapos siyang iwanan ng kanyang asawang Pilipina na taga North Cotabato.

Isang taon daw na nakasama ni Solager ang kanyang asawa at nakabili pa sila ng bahay, ngunit nalaman nito na hindi ito nakapangalan sa kanya.

Umabot ng libo libong shares sa social media ang istorya ni Solager at maraming nainis na netizens dahil tila nasira nanaman ang Pilipinas sa mata ng mga banyaga.

Sa ngayon ay namamalagi sa isang paliparan si Solager at sinabi pa nito na kahit ang kanyang embassy ay hindi siya tinulungang makauwi.

Ngunit itinanggi ng Royal Danish Embassy sa Pilipinas ang akusasyon ni Solager at sinabing hindi lang noon nakikipag-cooperate ang nasabing banyaga at gumagawa daw ito ng sarili niyang aksyon.

Ipinakita ni Sandra Nagano Leingaard na isang OFW sa Denmark ang update tungkol kay Solager.

“Update for the Danish Man who lived in the streets because her wife takes all his money. Now he is waiting for the flight back in Denmark and the Danish Embassy in the Philippines assisted him,” ani Liengaard.

“He was assisted in the right procedure and embassy protocols. Pero hindi siya cooperative and dealing his own ways. Mali din yung info na binigay niya sa babaeng nag post. May files and embassy regarding his case,” she added.

Sandra Nagano Liengaard

Napabalita din na tinulugan siya ng isang company mula sa Denmark upang magkaroon siya ng matutuluyan at trabaho.

Hindi pa nagbibigay ng kahit anong pahayag ang asawa ni Solager.

Facebook Comments