Home Celebrities Cesar Montano ipinakilala na ang misteryosong babaeng nakita sa isa kanyang ‘kagawad greeting’ noon

Cesar Montano ipinakilala na ang misteryosong babaeng nakita sa isa kanyang ‘kagawad greeting’ noon

0

Makalipas ng dalawang taon ay ipinakilala na ng aktor na si Cesar Montano ang babae na nakitang walang saplot sa kanyang video habang bumabati kay Barangay Kagawad Chris Morales ng Sta. Ana, Manila.

Sa nasabing video ay makikita na may babaeng biglang sumulpot sa background ni Montano.

Nakita ang babae na kumukuha ng damit at tila hindi alam na nagre-record si Montano.

Sumikat ang nasabing video at naging katatawan ito sa social media na kahit si Montano ay walang nagawa kundi sakyan nalang din ang mga netizen.

Ilang araw lang ang nakakaraan ay gumawa muli ng bagong bersyon si Montano ng kanyang sumikat na video at ngayon ay ang kanyang binabati naman ay ang entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal.

Ngayon ay makikita ang babae sa background na nakabihis na.

“BFF, Happy, happy birthday to you! Huwag mong kakalimutan na merong Buboy, Cesar Montano, na nagmamahal at nagdarasal ng safety and good health, ‘yan! I love you, BFF Dolly!” ani Montano.

Matapos nitong batiin si Carvajal ay tinawag niya ang misteryosong babae upang magpakita ng malapitan sa video.

“BFF, yung talent ko, nandidiyan na. Sandali, bakit may damit na ito, ah? Siyempre, wholesome tayo ngayon. Happy birthday, Mare. We love you! Next time, yung isa kong talent, available na. ‘Yon talaga, daring ‘yon. Next time na lang ‘yon” sabi pa niya.

Ayon sa ilang balita ay matagal ng partner ni Montano ang nasabing babae na nagngangailang Maria Socorro.

Si Socorro na ang nakasama ni Montano simula ng maghiwalay sila ng dati niyang asawa na si Sunshine Cruz na isa ring kilalang aktres.

Facebook Comments