Home Social Media Gabby Lopez nagbitiw sa pwesto bilang Chairman Emeritus at Director ng ABS-CBN

Gabby Lopez nagbitiw sa pwesto bilang Chairman Emeritus at Director ng ABS-CBN

0

Inanunsyo ngayong Huwebes ni Eugenio “Gabby” Lopez III ang kanyang pagbibitiw bilang Chairman Emeritus at Director ng ABS-CBN Corporation.

Sa isang press statement, sinabi ni Lopez na nag bitiw siya sa kanyang pwesto bilang pinuno ng Kapamilya network dahil sa kanyang personal na rason.

“Mr. Lopez also tendered his resignation as director of ABS-CBN Holdings Corporation, Sky Vision Corporation, SKy Cable Corporation, First Philippine Holdings Corporation, and Rockwell Land Corporation effective immediately,”

“He expressed his appreciation for the trust of the stockholders as well as to his co-directors and senior management for the privelage of having served with them over the years,”

Si Mr. Mario Luza Bautista na 66 taon ng parte ng ABS-CBN corporation ang papalit sa pwesto ni Lopez.

Matatandaan na ginisa si Lopez sa kongreso dahil sa kwestiyonable nitong citizenship.

Siya rin ang paboritong banatan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong kasagsagan ng kanyang pambabatikos sa ABS-CBN.

Inakusahan ng Pangulo si Lopez na ginagamit ang media para makontrol ang politika sa Pilipinas ngunit itinanggi ito ng kampo ng negosyante.

Sinabi pa nito na dapat ay ibenta nalang ng mga Lopez ang ABS-CBN dahil hindi sila makakakuha ng bagong prangkisa para makapag operate ng karagdagang 25 na taon.

Nangyari nga ang sinabi ni Pangulong Duterte matapos ibasura ng kongreso ang prangkisa ng nasabing television network.

Facebook Comments