Home Politics Mayor Vico Sotto sinigaw sigawan ng isang negosyante na kanyang sinita dahil sa iligal daw nitong ginagawa

Mayor Vico Sotto sinigaw sigawan ng isang negosyante na kanyang sinita dahil sa iligal daw nitong ginagawa

0

Hindi napigilang kumprotahin ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang isang negosyante na inaakusahan ng pagde-demolish ng isang bahay kahit na wala itong permit sa mga kina uukulan.

Sa isang video ay makikita si Mayor Sotto habang kinakausap ang nasabing negosyante sa Barangay Bambang, Pasig City at pagkalapit palang ng alkalde ay mainit na kagad ang mga sinabi nito.

“Mumurahin mo rin ba ako katulad ng ginawa mo sa tauhan ko?” ani Sotto.

Hindi naman nagpatalo ang nasabing negosyante at sinabing karapatan niyang i-demolish ang nasabing bahay dahil pinamumugaran daw ito ng mga lulong sa masamang bisyo at nasa sariling lupa niya naman daw nakatayo ito.

Sinabi ni Sotto na kahit na sa lupa niya nakatayo ang bahay ay wala siyang karapatan ipa-demolish ito lalo na kung walang court order.

Dito na tumaas ang boses ng negosyante at sinabing hindi bahay ang kanyang winawasak kundi tambayan lang ng mga lulong sa masamang bisyo.

Uminit na rin ang ulo ni Sotto dahil nakita rin nito na tila sinira na ng negosyante ang kalsada sa nasabing barangay dahil naka balandra ang mga heavy equipment nito sa daan.

Matapos ipakita ng alkalde ang nakabalandrang mga sasakyan ay dito na lalo nag init ang sitwasyon.

Naki awat na rin ang mga tauhan ni Mayor Sotto dahil sigaw na ng sigaw ang negosyante.

“Kaunting respeto naman po,” sabi ng tauhan ni Sotto sa negosyante.

Reklamo pa ng negosyante ay limang beses daw siyang humingi ng meeting kay Sotto pero hindi daw ito pinaunlakan ng alkalde.

“Taxpayer kami, bakit kami ang naging masamang tao sa tingin mo,” tanong ng negosyante kay Sotto.

Nakitaan din ng panibagong violation ang nasabing negosyante dahil daw walang permit ang itinatayo nitong gusali.

Matapos ng ilang minuto pang pag uusap ay naging kalmado na ang negosyante.

Hinimok naman ni Sotto ang negosyante na makipag tulungan nalang sa gobyerno.

Umabot ng libo libong views sa internet ang nasabing video.

Facebook Comments