Home Politics Nakakabahala! Leni Robredo, naalarma sa pagdagsa ng tao sa Manila Bay: “Parang nakakatakot tignan”

Nakakabahala! Leni Robredo, naalarma sa pagdagsa ng tao sa Manila Bay: “Parang nakakatakot tignan”

0

Hindi nagustuhan ni Vice President Leni Robredo ang nangyaring pagdagsa ng tao ngayong weekend sa Manila Bay dahil narin sa panibagong atraksyon doon.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Robredo na nasa gitna parin ng krisis ang Pilipinas at nakaka alarma na makita na may mga taong nag sisiksikan upang masilayan ang artificial white sand beach na inilagay sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Manila Bay.

Ayon sa kanya ay hindi na nasunog ng mga taong bumisita sa Manila Bay ang simpleng health protocols para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Pinayuhan ni Robredo ang mga tao na mag ingat dahil hindi parin tapos ang problema ng bansa.

“Yung white sand dun sa Manila Bay, parang nakakatakot tingnan kasi walang social distancing, talagang siksik yung mga tao. Eto yung hindi na mababawi e, pag naghawaan hindi na natin mababawi. Pero sana moving forward, makaisip ng way na kahit may mga pumapasyal dun, siguraduhin pa rin yung physical distancing. Kahit paunti-unting bumabalik sa normal, mas doble-ingat ngayon,” ani Robredo.

Maalala na binuksan kahapon ang Manila Bay artificial beach sa publiko kasabay na rin ng pagdiriwan ng International Coastal Cleanup Day.

Samantala binanatan din ni Robredo ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte upang palawigin ang state of calamity hanggang 2021.

Ayon sa kanya ay tila parang gustong sabihin ng gobyerno na aabot hanggang Septiyembre 2021 ang krisis ng bansa.

“Sa panahon ng krisis, inaasahan natin na kailangan ng deklarasyon na ito. Hindi ko lang alam kung iyong basehan, na hanggang 2021,” saad ni Robredo.

“Kasi gusto bang sabihin na ganoon katagal iyong emergency situation natin? Kasi kung ganoon katagal, parang nakakatakot para sa atin,” dagdag pa niya.

Isa si Robredo sa mga bumatikos sa gobyerno dahil na rin sa pinagpatuloy nito ang pag papaganda sa Manila Bay kahit na nasa gitna ng krisis ang bansa.

“Napaka-insensitive na gagawin mo yan sa height ng pandemic na ang daming nagugutom. Ang daming naghihirap, gagawin mo yung pag-beautify,” ani Robredo.

Facebook Comments