Home Social Media FDA pinag iingat ang publiko sa pagbili ng sikat na liver spread brand na Reno

FDA pinag iingat ang publiko sa pagbili ng sikat na liver spread brand na Reno

0

Pinag iingat ng Food and Drug Administration of the Philippines ang publiko sa pagbili ng ilang pagkain kasama na ang isa sa pinakasikat na produkto sa Pilipinas, ang Reno Liver Spread.

Ayon sa FDA Advosory No. 1618 Series of 2020 na inilabas ngayong araw ay isinama ang Reno na isa sa mga paboritong palaman ng mga Pilipino simula pa noong 1960s sa listahan ng mga produkto na dapat ay hindi muna bilhin ng publiko.

Sinabi ng FDA na ang Reno Brand Liver Spread ay hindi rehistrado at walang “certificates of Product Registration”.

Lumabad diumano ang nasabing produkto sa Republic Act No. 9711 na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga produktong hindi rehistrado.

“All concerned establishments are warned not to distribute, advertise, or sell the said violative food products until CPR are issued, otherwise, regulatory actions and sanctions shall be strictly pursued. Always check if a product has been registered with the FDA before purchasing it by making use of the embedded Search feature of the FDA website accessible at www.fda.gov.ph. You may also look for the FDA Registration number on the product label, if available or the name of the product,” saad ng FDA.

Hindi naman malaman kung may iba pang dahilan kung bakit pinag iingat ng FDA ang publiko sa pagbili ng Reno.

Maliban sa Reno ay kasama rin sa listahan ng FDA ang:

  1. MIRACLE WHITE Advance Whitening Capsules Food Supplement
  2. TURCUMIN 100% Natural & Standardized Turmeric Curcumin
  3. DESA Spanish Style Bangus in Corn Oil
  4. SAMANTHA’S DIPS AND SAUCE Spanish Sardines Paste Sauce.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kumpanya sa likod ng Reno Brand tungkol sa balala laban sa kanila ng FDA.

Ikinadismaya naman ng mga netizen ang nasabing balita dahil napakatagal na nilang tinatangkilik ang nasabing produkto.

May ilan ding nag aalala dahil hindi nila alam kung delikado na ba sa kalusugan ang nasabing liver spread.

Facebook Comments