Home Social Media Ang agang naulila! After losing his mother eight months ago, kid now also lost his father

Ang agang naulila! After losing his mother eight months ago, kid now also lost his father

0

Isang bata ang viral ang nakuha ang atensyon ng social media dahil sa nangyari sa kanyang mga magulang sa loob lamang ng isang taon.

Sa isang Facebook post ni netizen Hyanizha ay makikita si “Macky” habang nasa lamay ng kanyang ina na si Mailyn Sabandea noong January 2020.

Makikita sa larawan na kasama pa ni Macky ang kanyang ama na si Mark Anthony Cabagnan Sandoval.

Ngunit Septiyembre ngayong taon ay binawian na rin ng buhay ang ama ni Macky dahil daw sa kidney failure.

Sa ikalawang larawan ay makikita nalang si Macky na mag isa sa lamay ng kanyang ama.

Hindi naitago ng mga netizen ang pagka awa sa bata.

Umabot ng 2,000 shares at 17,000 reactions ang istorya ni Macky.

“Mackmac nbigla aq sa nangyari sau kelan lng nakakasulubong pa kita pag papasok ako..parang kelan lng lagi p tyo nag riride.babasketball.inuman.macky kung san ka,man ngaun atleast dyan wla kna mara2mdaman paghihirap,” ani Netizen Joey Oleta.

“Kawawa nmn ang bata maaga syang naulila pero cguro hanggang Dyan nlng buhay ng mga magulang mo.. Inshallah gabayan ka lagi na maging matatag at malakas hanggang sa pag laki mo. Baby boy,” saad ni Gemma Danila.

“Sana may nabybutibg puso ang mag aruga sayo na magaba ang pasensiya at mahalin kang oarang tunay na anak. Lord kayo ns po ang bahala sa batang maagangninulilia ng mga magulang. God will.make a way,” komento ni Ludy Buce.

Sa mga gustong tumulong kay Macky ay maari lamang kausapin si Maricel Ramirez sa kanyang Facebook account.

Facebook Comments