Home Politics Duterte binalaan ang mga kumpanya na nanghihingi ng downpayment para sa bakuna: “Sipain ko kayo kung makita ko kayo!”

Duterte binalaan ang mga kumpanya na nanghihingi ng downpayment para sa bakuna: “Sipain ko kayo kung makita ko kayo!”

0

Binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng mga pharmaceutical companies na humihingi kagad ng advance payment sa gobyerno para sa bakuna laban sa C0VID-19.

Sa kanyang talk of the nation, sinabi ni Pangulong Duterte na labag sa batas ng Pilipinas ang pagbabayad sa mga bagay na hindi pa naman available katulad nga ng C0VID-19 vaccine.

Binanggit naman ni Pangulong Duterte na ang Russia at China ay hindi nanghihingi ng downpayment para sa ginagawa nilang bakuna.

“But the only country that offered to help initially and said, “Do not worry when we invent one, we’d give you” was Russia then China. China naman, the one good thing about China is you do not have to beg, you do not have to plead. Like in other countries, they want cash advance bago tayo deliver-an ng vaccine. Eh kung ganun, p*tay tayong lahat,” ani Duterte.

“Why? Kung wala tayong ibigay sa kanila cash advance, eh di walang vaccine. Eh walang vaccine, di maghalikan na lang tayong lahat para mas madali. That’s I said one wrong with — one thing wrong with the — itong Western companies,” dagdag pa niya.

“That’s one thing wrong about the Western countries — it’s all profit, profit, profit. There’s a pandemic and you say that, “Okay we have the — we have something for sale or something to sell to you.” And marinig mo, maligaya ka only to be — only to collapse when the next sentence is said “pero magbayad kayo ng cash advance bago kami magpadala”,”

Sinabi ni Pangulong Duterte na ang procurement law sa Pilipinas ay ipinagbabawal ang pagbili ng gobyerno ng mga bagay na hindi pa nagagawa.

Kaya’t sinabi ni Pangulong Duterte na kailangan ay umuwi nalang ang mga representante ng mga western pharmaceutical companies dahil magsasayang lang sila ng oras dito sa Pilipinas.

“If the companies are here or representatives, mag-uwi na kayo sa inyo. ‘Pag hindi, sipain ko kayo kung makita ko kayo diyan sa ano. If I happened to have dinner outside and see you somewhere in the hotels, I’ll kick your *ss. Babastusin ko kayo. Umuwi kayo doon sa inyo, mag-yawyaw (nag) kayo,” saad ng Pangulo.

 

Facebook Comments