Home Politics Sen. Manny Pacquiao, sinagot ang gastos ng 13 TV station na gagamitin para sa distance learning: “Alam ko ang nararamdaman ng mga mag-aaral”

Sen. Manny Pacquiao, sinagot ang gastos ng 13 TV station na gagamitin para sa distance learning: “Alam ko ang nararamdaman ng mga mag-aaral”

0

Nangako si Senador Manny Pacquiao na sasagutin niya ang operating cost ng 13 istasyon ng telebisyon na gagamitin para sa distance learning ng mga estudyante ngayong taon.

Sa isang statement na ipinadala sa mga mamamahayag ay sinabi ni Pacquiao na alam niya na may mga bata na mula sa mahihirap na pamilya ang hindi kayang bumili ng sariling cellphone o laptop para makasabay sa online learning na ipapatupad ng Department of Education ngayong taon.

At kahit daw may mga laptop o cellphone ang mga bata na nakatira sa liblib na lugar sa Pilipinas ay malaking problema kung saan sila kukuha ng signal.

“Galing ako sa hirap kaya alam ko ang nararamdaman ng mga mag-aaral at mga magulang nila,’’ ani Pacquiao.

“Alam ko din na hindi pa 100% coverage yang internet natin sa Pilipinas, kaya kahit me pambili ka ng laptop o gadget, hindi ka pa din nakakaseguru na aabot sayo ang mga aralin buhat sa DepEd,’’ dagdag pa niya.

Inanusyo rin ni Pacquiao na wala ng dahilan upang hindi matuloy ang pasukan ngayong taon.

“Sa tulong ng mga nasa industriya ng telecommunications, nagawan namin ng paraan para may magamit na 13 TV channels ang DepEd nang walang gastos sa gobyerno at mga estudyante. Kaya wala nang dahilan para hindi matuloy ang pag-aaral ng mga bata ngayong darating na pasukan,” saad ni Pacquiao.

Nagbigay naman ng karagdagang impormasyon si Tim Orbos na siyang mamumuno sa programa ni Pacquiao.

“On the cost – again no cost to gov’t. But  if one  would pay for  it :  National broadcast at 13 channels/10 M for 8 hrs/day× 20 days/month  would cost millions monthly. In our case, our satellite transmission is at the disposal of the senator for the project covering  utlizing our excess bandwidth. His friends are helping out shouldering other costs,” ani Orbos.

Matagal ng pinangangambahan ng ilang grupo ang desisyon ng DepEd na ipagpatuloy ang school year ngayong 2020 dahil narin sa hindi lahat ng estudyante ay kayang gumastos para sa distance learning.

Upang maresolba ang nasabing problema ay sinabi ng DepEd na gagamitin nila ang telebisyon at radyo upang maturuan ang mga estudyante.

Kumuha rin sila ng 27 na guro upang magsilbing broadcaster.

Facebook Comments