Friday, September 30, 2022
HomePoliticsAno yan Ostrich? LGU ng Bulacan bumili daw ng manok na 1,223...

Ano yan Ostrich? LGU ng Bulacan bumili daw ng manok na 1,223 ang isang piraso

Ikinagulat ng mga netizen ang isang rebelasyon ng isang Facebook page na inakusahan ang Probinsiya ng Bulacan ng pagbili ng mga overprice na relief goods.

Sa Facebook post ng Bantay Kaban – Bulacan ay makikita ang isang dokyumento kung saan ipinapakita ang listahan ng mga binili ng kapitolyo ng Bulacan.

Tila hindi kapani-paniwala ang presyo ng mga biniling goods ng kapitolyo dahil ang manok na binili nila ay nagkakahalaga ng P1,223 at malayo sa karaniwang presyo nito na 120-200 pesos.

Ayon din sa dokyumento ay bumili rin ang kapitolyo ng bigas na nagkakahalagang P5,300 kada sako at mga kahon ng sardinas na nagkakahalaga naman ng P3,562.50.

Governor Daniel Fernando

Umabot ng P113,085,000 ang Kapitolyo sa nasabing order na para lamang sa 20,000 na pamilya sa probinsiya.

Pinirmahan ang nasabing dokyumento ng mismong Gobernador ng Bulacan na si Daniel Fernando.

Iniimbistagahan na ng Commission on Audit ang nasabing transaksyon.

Kinumpirma rin daw ng tagapagsalita ni Fernando na si Atty. Jayric Amil na namigay nga ang opisina ng gobernador sa mga jeepney driver sa iba’t ibang parte ng probinsiya noong nakaraang buwan.

Photo courtesy: MB

Sinabi naman nila na walang anumalya na nangyari sa nasabing transaksyon dahil dumaan naman daw ito sa tamang proseso.

“Normal na presyo po ang mga yan noong nakaraang buwan. Masyado po kasing mataas ang demand sa mga produkto ng pagkain tulad ng sardinas, bigas at manok dahil marami rin pong mga LGU at NGO ang pinamimigay rin ang mga ito. Pag mataas po ang demand, mataas din ang presyo. Pero tamang presyo lang po yan,” ani Atty. Amil.

Larawan mula sa Bantay Kaban – Bulacan

Samantala ay tinawag namang ‘fake news’ ng kampo ni Fernando ang nasabing balita.

Ayon sa kanila ay ginamit lamang ang nasabing balita upang sirain ang imahe ni Fernando.

Di naman nila ipinaliwanag kung totoo nga ba na umabot ng mahigit isang libong piso ang halaga ng binili nilang manok.

Umabot naman ng 21,000 shares ang nasabing post ng Bantay Kaban – Bulacan at kahit ang mga netizens ay hindi makapaniwala na aabot sa mahigit isang libong piso ang presyo ng manok.

Ang iba ay idinaan na lamang sa biro ang rebelasyon at sinabing baka literal na naka dress ang manok at mahal ang telang ginamit dito kaya umabot ng 1,200 pesos ang presyo.

Sabi pa ng isang netizen ay baka daw galing pa sa Spain ang mga nasabing sardinas habang ang bigas ay galing pa daw sa tuktok ng Mount Apo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular