Home Social Media Kumambyo? DOH nilinaw na hindi nakakasama ang ‘Dolomite sand’ na itinatambak sa Manila Bay

Kumambyo? DOH nilinaw na hindi nakakasama ang ‘Dolomite sand’ na itinatambak sa Manila Bay

0

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi masama sa kalusugan ang mga itinatambak na artificial white sand na gawa sa dinurog na ‘dolomite’ sa Manila Bay.

Ayon sa ahensya ay ang itinatambak na dolimite sa nasabing tourist spot ay masyadong malaki upang malanghap ng mga tao.

Sinabi pa ng DOH na kahit anong dust particle, kahit hindi dolimite ay maaring makasama sa kalusugan ng tao kung ito’y nasa “dust form”.

“As stated by the Department of Environment and Natural Resources (DENR), the dolomite material that is being used in Baywalk is 2-5mm or 100 times bigger than dust, therefore does not get suspended in air,” ani DOH.

“Moreover, occupational health and safety standards for workers and precautionary measures for the containment of possible dust formation are being implemented,” 

“Therefore in terms of the general safety of the public who will be enjoying the shoreline once permitted, DOH assures that no untoward incidents will occur as a result of this endeavor,”

Ito’y matapos sabihin ng DOH ilang araw lang ang nakakaraan na maaring magsanhi ng respiratory issues ang nasabing white sand kung ito’y ma-inhale ng isang indibidwal.

Matatandaan na inulan ng batikos ang proyekto ng DENR at tinawag itong pag sasayang ng pera.

Ngunit ayon naman sa mga sumusuporta sa proyekto ay dapat ay magpasalamat nalang ang mga kritiko dahil pinapaganda na ngayon ang Manila Bay.

Kahit si MMDA Assistant Secretary Celine Pialago ay hindi naitago ang pagkagigil sa mga kritiko ng proyekto at tinanong sila kung bakit noong puno pa ng basura ang Manila Bay ay hindi sila nag iingay.

Facebook Comments