Home Celebrities MMDA Asec. Celine Pialago binanatan ang mga kritiko ng Manila Bay rehab: “Bakit noong madumi ang Manila Bay wala ni isa ang nagmalasakit?”

MMDA Asec. Celine Pialago binanatan ang mga kritiko ng Manila Bay rehab: “Bakit noong madumi ang Manila Bay wala ni isa ang nagmalasakit?”

0

Binanatan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant Secretary and Spokesperson Celine Pialago ang mga kritiko ng Manila Bay rehabilitation.

Matatandaan na inulan ng batikos ang proyekto ng Department of Environment and National Resources (DENR) matapos silang maglagay ng mga articificial white sand na gawa sa dinurog na ‘dolomite’ sa Manila bay bilang parte ng pagpapaganda dito.

May mga eksperto pa nga na nagsabi na hindi daw ligtas sa kalusugan ang dolomite.

Manila Bay before and after itong linisin ng mga volunteers noong 2019

Ayon kay Pialago, bakit noong madumi ang Manila Bay ay walang nag iingay upang mag malasakit sa nasabing tourist spot.

Sinabi rin nito na mas delikado sa kalusugan ang mga basurang nakatambak noon sa Manila bay.

Inilahad niya rin na trak-trak na basura ang nahahakot sa Manila bay noong hindi pa inuumpisahan ang nasabing proyekto.

“Bakit noong madumi ang Manila Bay wala ni isa ang nagmalasakit? Kahit na alam nating mas delikado sa kalusugan ang basura? Ngayong pinapaganda lahat nangingialam? Wow a! Just wow!” ani Pialago.

“Mag cocomment ako, kasi MMDA ang isa sa mga ahensya na araw araw naglilinis ng basura ng mga balahurang Pinoy at mapanamantalang establisyemento, 30-45 trucks ng basura lang naman ang nakukuha namin noong wala pang rehabilitation sa Manila Bay,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Pialago na matagal ng nakalaan ang budget para sa nasabing proyekto kaya’t hindi ito ititigil kahit sa gitna pa ng pandemya.

“Saka pwede ba 2019 pa aprubado ang budget para diyan, huwag niyong ipilit na isinabay yan sa panahon ng pandemya,” saad niya.

Tinawag ng ilang kritiko na pag aaksaya ng pera ang ginawang proyekto ng DENR.

Mismong si Bise Presidente Leni Robredo ang nagsabi na madaming pamilya ang mapapakain ng perang inilaan para sa pag lilinis ng Manila bay.

“Ang daming nagugutom. Ang daming naghihirap, gagawin mo yung pag-beautify,” ani Robredo.

Samantala, pinagtanggol naman ni Manila City Mayor Isko Moreno ang nasabing proyekto.

“With regard to claim na yung ilalagay na buhangin ay makakapaminsala sa kapaligiran, it is not up to me to identify scientifically na ito’y nakakasira ng kalikasan,” saad ni Moreno.

“I think DENR, on its own, knows it better to protect our environment. I don’t think a person in his right mind in a particular agency of the government, who is supposed to be taking care of our environment, will pollute our environment, ‘yun ang presumption ko,” dagdag pa niya.

Facebook Comments